SISAY'S POV
"Bee,una na akong umuwi sayo ayan na si tatay." Paalam ng kaibigan pagkatapos ng klase nila.
Sa kabilang barangay ang bahay ni Mona at mayroon silang sariling traysikel kaya doon na din ito sumasakay kasabay ng ibang pasahero.
"Ingat bee."wika niya sa kaibigan.
Pagkaalis ng kaibigan ay nagsimula na siyang naglakad pauwi sa bahay nila.
"Sisay,bitbitin mo itong bag ko,mamaya pa ako pauwi sa bahay ikaw na lang ang mag-isip ng paraan ulit kung ano ang sasabihin mo Kay nanay kapag dumating siya at wala pa ako." Sabay hagis sa kanya ng bag ni Miles.
Agad umalis sa harapan niya ang pinsan kasama ang mga kaklase nito.Hindi na bago ito sa kanya,siya ang palaging nagtatakip sa mga kalokohan ni Miles. Magkasing edad lang sila ng pinsan pero graduating na ito ngayong taon, samantalang siya ay magdidisiotso na ay nasa level nine pa rin hanggang ngayon. Ilang beses kasi siyang tumigil sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng pinansyal, pasalamat pa rin siya kahit masungit ang tiyahin ay nakapag-aaral siya. Tulad ng kanyang tiya ay hindi rin maganda ang trato Sa kanya nito.
Wala siyang nagawa kundi ang magpatuloy sa paglalakad,mabigat na ang bag niya dumagdag pa ang sa pinsan niya kaya halos magkandakuba na siya.At sa tuwing mayroong dumadaan ng mga sasakyan ay napapaubo siya dahil sa makapal na alikabok sa Hindi pa nasesementong kalsada.
Nagtakip agad siya ng ilong at pumikit ng may narinig na humaharurot na sasakyan sa likuran niya.Pakiramdam niya ay puno na ng alikabok ang buong katawan niya.Ito ang nagpapahirap sa kanya sa tuwing umuuwi siya o pumapasok sa school.
Muntik na siyang mabuwal mula sa kinatatayuan dahil pagmulat niya sa mga mata ay may nakatitig sa kanya na halos dumikit na sa mukha.
Hinampas niya ang mukha nito ng hawak na folder ng isang kamay niya.Kanina pa siya nanggigigil dito ng kuhanin nito ang baon niya.Hindi naman niya ipagdadamot kung hiningi nito ng maayos dahil malaki ang utang na loob niya Kay Demark.
"Ang lakas ng loob mong hampasin ako,Balansag!"pikon na sabi nito sa kanya.
Saka niya naalala na makapangyarihan ang pamilya nito dito sa lalawigan nila.Baka ipatanggal pa siya ng lalaki sa eskwelahan na pag-aari ng pamilya nito.
" Sorry."nakangiwi at nagpeace sign pa siya.
Hindi na niya tinanong ang kaklase kung bakit ito nakatanghod sa kanyang mukha kanina.Tinalikuran na lamang niya ito at nagpatuloy sa paglalakad. Baka kung ano pang masabi niya ay matuluyan pa siyang mapatalsik sa school.
"Wala pa akong sinasabi na pwede ka ng umuwi." Sabay hila nito sa bag niya kaya napaatras siya palapit sa lalaki.
"Bitiwan mo nga ako,ano bang kailangan mo?" Tanong niya at pilit naglalakad pero di naman siya makaalis sa kinatatayuan.
Hindi sumagot ang kaklase sa halip ay itinulak pa siya papasok sa kotse nito na nasa malapit sa kanila.
"Tatay Romy let's go, dun sa sinabi ko sa inyo." Utos nito sa driver at agad naman nitong pinaandar ang sasakyan.
Namumutla na siya habang nasa loob ng magarang kotse ni Demark,pinaghalong takot at pagkahilo ang nararamdaman niya.Hindi siya sanay sumakay sa mga ganitong sasakyan na may aircon,pakiramdam niya ay babaligtad na ang sikmura niya anumang oras.Dagdagan pa ng pag-aalala kung saan siya dadalhin ng kaklase.
BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
Novela JuvenilHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...