"Apo, magpahinga ka muna para kumain ng almusal. Aba'y simula pagputok ng araw ay naglalaba ka na dito sa poso,"
Nagtaas ng tingin si Lesley nang muli siyang lapitan ng kanyang Lola Mely, nginitian niya ito upang huwag ipahalata na hindi pa siya nagugutom at napapagod. Pero ang totoo kanina pa humahapdi ang kanyang sikmura dahil sa gutom at nanakit na ang balakang at likod sanhi ng matagal na pagkakaupo.
"Mamaya na po ,'la, matatapos ko na po ang paglalaba ng mga damit nina Tiya Helen ng sa ganoon po ang mga damit naman natin ang lalabhan ko,"
"Huwag matigas ang ulo, Sisay, alalahanin mong may umaasa sa 'yong sanggol d'yan sa sinapupunan mo. Halika na, kawawa naman ang apo ko sa tuhod baka lumabas na kulang sa timbang,"
Nangingiting tumayo si Lesley mula sa maliit na upuan na ginagamit sa paglalaba sinabayan niya si Lola Mely habang hawak ito sa isang braso papasok sa loob ng bahay.
"Pagpasensyahan mo na, apo, ang Tiya Helen mo sa mga masamang pakikitungo sa 'yo. Tulad na lamang ng paglalaba may wasing masin naman ayaw ipagamit sa 'yo,"
"Okay lang po, lola, ang importante hindi natuloy ang balak ni Tiya Helen na ipalaglag ang anak ko, nakakalungkot mang isipin na nagkataong na-stroke si Aling Imay pero hindi pa rin po pala ako pinapabayaan ng Diyos, dalawang buwan na lang makikita ko na ang anak ko." Nanunubig ang mga matang napahimas sa malaking tiyan si Lesley.
"Kumain ka ng marami, apo, heto naglaga ako ng talbos ng kamote na may tinapa pinitas ko ito mula sa maliit mong hardin sa likod-bahay, ngayon ko lang napagtanto na malamig pala ang mga kamay mo sa mga halaman." Ipinaghain agad siya ni Lola Helen pagkarating sa kusina. "Maupo ka na dito at sabay na tayong kumain, bawal umiyak magiging nanay ka na ilang buwan mula ngayon," may kasamang biro pa ng abuela.
Wala nang nagawa ang kanyang Tiya Helen upang ipalaglag ang kanyang anak at nasisiguro din niyang kung nangyari man iyon ay hinding-hindi niya hahayaang matuloy ang masamang balak ng tiyahin, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya noong mga sandaling iyon pero isa lang ang alam niya ang protektahan ang kanyang anak.
"Lola, pagkatapos kong maglaba pupunta po ako sa health center para sa monthly check up ko," aniya habang kumakain sila.
"Sige, basta mag-iingat ka, pasensya ka na kung hindi kita masasamahan dahil sa rayuma ko,"
"Naiintindihan ko po, marami na po kayong naitulong sa amin ng baby ko, tulad nang panghihingi ninyo sa mga kakilala natin ng mga pinaglumaang mga baby dress at gamit para sa baby ko. Lola, kung wala kayo hindi ko na po alam kung sino pa ang masasandalan ko. Tuluyan na kaming pinabayaan ng daddy niya," tuluyan nang nalaglag ang mga butil ng luha na kanina pa niya pinipigilan .
Wala na siyang balita kay Landon mula nang umalis siya sa bahay nito na tanging ang suot ay pangtulog at ang ilang lilibuhin na ibinigay ni Trixie. Maging kay Demark ay wala siyang balita na huli niyang nakita noong gabing sumugod ito sa bahay ni Landon.
"Makakaraos din tayo, apo, hayaan mo na kung hindi ka pinanagutan ng lalaking nakabuntis sa 'yo. Ang isipin natin ay kung saan kukuha ng pera para sa ultrasound mo, noong isang buwan ka pa binigyan ng request para doon. Kailangan mo iyon upang malaman kung maayos ang lagay ng apo ko sa tuhod baka mamaya suhi pala." Pag-iiba ng kanyang Lola Mely na palaging ganito ang ginagawa sa tuwing umiiyak siya o naaalala ang pagtalikod sa kanila ni Landon. Wala siyang inilihim kahit isang detalye mula sa matanda maliban sa isang bagay- na nangungulila siya kay Landon at umaasang babalik ito sa bansa at hahanapin siya.
"May kaunti pa pong natitira mula sa binigay sa 'kin ni Trixie, babawasan ko na lang po muna para makapagpa-ultrasound po ako, saka ko na po iisipin kung saan kukuha ng perang ipangdagdag para sa mga gastusin sa panganganak ko,"
BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
Teen FictionHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...