"Wahhhhhh...tulong, lola-" natigil siya sa pagsigaw nang igawad ni Landon ang parusa at nanginig pang lalo ang katawan niya.
Nanlalaki ang singkit na mga mata ni Lesley habang nakalapat ang mga labi ng manyakis na si Landon sa kanyang labi.
Kuntodo pikit pa ang loko! Parang feel na feel ang parusang ibinigay sa kanya!
Parang tumigil ang mundo ni Lesley nang sandaling maglapat ang mga labi nila, o baka siya lang ang nakakaramdam ng ganito. Para siyang napapaihi na parang kumukulo ang tiyan, ewan basta halo-halong emosyon na 'di niya maipaliwanag.
Lalo pa yatang nagwala ang mga bulate sa katawan niya ng unti-unting igalaw ni Landon ang mga labi at pilit ipinapasok ang dila nito sa kanyang bibig. Nangangatal pa rin ang katawan dahil yata sa bolta-boltaheng dumadaloy sa dugo niya, nakapagtatakang hindi pa siya nangingisay sa lakas ng kuryente na nagmula sa halik ni Landon. Napaungol siya habang ipinipilit ng lalaki na pasukin ang kaloob-looban ng bibig pero bago iyon ay tila tinutukso pa nito ang pamaya't-mayang pagkagat sa kanyang labi pero hindi naman malakas. Ano bang ginagawa niya?!
Parang naparalisado na yata ang buong katawan niya dahil kusang bumuka ang mga labi niya tuluyan nang nakapasok ang pangahas na dila ni Landon na patuloy sa ginagawang paghalik sa kanya. Habang lumalalim ang halik ng lalaki kusang gumagalaw ang isang kamay nito na humahaplos sa kanyang braso pataas sa leeg.
Tumutol ang utak niya gustong-gusto niyang pagsasampalin o kalmutin si Landon pero parang may sariling isip ang katawan niyang hindi namamalayang napapaliyad sa bawat haplos ng lalaki at kusang napapaungol sa mapusok na halik nito dahilan upang kusang ipikit ang kanyang mga mata.
Nang hindi na makayanan buong lakas na itinulak ni Lesley nang tuunan niya ang malapad na dibdib ni Landon.
"Hi-hindi ko na kaya! Hindi na ako makahinga!'' habol ang hiningang sambit ni Lesley habang hawak ang sariling dibdib ngunit hindi makatingin ng diretso kay Landon na nasa ibabaw na ng katawan niya pero nakapagtatakang hindi naiipit ang tiyan niya.
Ilang segundo siyang natigilan at kinolekta ng utak kung ano ang nangyari sabay- "Wahhhhh..... Bakit mo ginawa 'yon? Ahhh.... Bastos ka! Bakit ka ba nanghahalik?!" Parang bata na nagawang nagpapadyak ng mga paa sa ilalim ng lalaki. "May bagong batas ngayon na inaprubahan ni Pangulong Duterte, ang Bawal Bastos Law, idedemanda kita!" Banta niya nang naalala ang ibinalita sa radyo ni Lola Mely noong isang linggo.
Late reaction? Wala siyang pakialam basta nagtitili pa rin siya, mapagtakpan lang ang hiyang nararamdaman. Kasi nagustuhan niya ang parusa ni Landon pero magkamatayan na hinding-hindi siya aamin!
Ngumisi ng nakakaloko si Landon parang nag-e-enjoy sa late reaction niya.
"Anong nakakatawa?" Sikmat ni Lesley. "Ninakaw mo ang first kiss ko! Hindi kita ipapakilalang ama sa anak natin-"
Hindi muli naituloy ni Lesley ang sasabihin ng mariing lumapat ang mga labi ni Landon sa pangalawang pagkakataon! Mabilis lang iyon pero gaya kanina ay muling dumaloy ang kuryente sa buong katawan.
"Wahhhhh. . . Bastos ka talaga! Nakadalawa ka na! Lola. . ."
Gaya kanina walang pakundangan na muli siyang hinalikan ni Landon sa pangatlong pagkakataon. At kapag inilayo nito ay muli siyang magsisigaw ang resulta walang sawa siyang hinahalikan ng lalaki at 'di na niya mabilang kung ilang beses iyon.
"I'm still waiting, kid," may ngiti sa sulok ng mga labi ni Landon nang magsalita matapos ang huling halik sa kanya. "Kung hindi ka napapagod sa pagsigaw I will not tired of kissing you. I don't care of your government's law about- what did you call that? Ah, I remember, under Republic Act 31313 or Bawal Bastos Law-''
![](https://img.wattpad.com/cover/138043776-288-k43347.jpg)
BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
Novela JuvenilHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...