DEMARK's POV
Kumakanta pa si Demark habang nagdadrive pabalik sa mansion, nakabili agad siya ng ipinapabili ni Liesly na prutas. Hindi na niya kinailangang lumayo dahil nagkataong may Sunday market malapit sa kanila.
Excited bumaba si Demark ng kotse na hindi na nagawang ipasok sa loob ng gate.
"Kuya Edgar, pakipasok ng kotse ko." Ibinigay ni Demark ang susi sa security.
"Opo sir."
Nagmamadaling tumakbo papasok sa gate si Demark, malayo pa lamang ay nakadama ng matinding kaba. Naririnig niya ang boses ni Trixie at isa lamang ang naiisip niyang dahilan.
"Da*n! Trixie!" Sigaw niya at mabilis na tumakbo upang lapitan si Liesly na namimilipit sa sakit habang nakadapa sa lupa.
Tama ang hinala niya.
"Liesly, hey wake up, I'll you in the hospital." Alalang-alalang sabi ni Demark.
Wala na itong malay at nakahawak lamang sa tiyan.
"She's a hooker Demark, my God hindi mo ba nakikita? Maging ikaw napaikot na ng babaeng 'yan." Tungayaw ni Trixie.
"Shut up!" Sigaw ni Demark at biglang natahimik ang dalaga. "Hindi pa tayo tapos." Iyon lamang, saka nagmamadaling binuhat si Liesly patungo sa kotse niyang hindi pa nagagawang ipasok sa garahe.
"Arrgh, Demarkkkkk!" Sigaw ni Trixie habang binubuhay ni Demark ang makina ng kotse.
Mabilis na nakarating sa pinakamalapit na ospital si Demark at agad na isinugod sa emergency room si Liesly. Nakahinga lamang siya ng maluwag ng sabihin ng doctor na walang anumang nangyaring masama sa baby ni Liesly.
"I'm sorry Liesly, it's my fault, dapat hindi kita iniwan kanina." Namalayan na lamang ni Demark ang pagpatak ng kanyang luha habang hawak ang isang kamay ng babaeng wala pa ring malay.
Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may masamang nangyari kay Liesly at sa magiging anak nito. Pakiramdam niya sa sarili ay may pananagutan sa babae at kailangan siya nito.
"How is Liesly?" Napalingon si Demark sa bagong dating.
"Dad!" Gulat na sabi niya, hindi inaasahan ang pagdating ng ama.
Napakabusy nito para pumunta dito at wala din ang ama sa bahay mula kaninang umaga.
"Kararating ko lang sa bahay kanina ng sabihin ng maid ang nangyari " hindi tumitingin kay Demark si Mr.Rodrigo, ang buong atensyon nito ay kay Liesly at bakas ang pag-aalala.
"She's fine." Sagot ni Demark.
"Ang mabuti pa siguro anak, doon muna kayo ni Liesly sa Villa." Tukoy ng ama sa kanilang villa sa Moal boal. "Hindi makakatulong kung palaging magkikita sila ni Trixie."
"Dad, bakit kayo nagtitiis sa mag-inang iyon. Their ruin our lives! Nagmula ng tumira sila sa mansion, sila ang may pasimula ng gulo. Pinalampas ko ang ginawa nila sa mga dati kong assistant and worst your mis-" hindi naituloy ni Demark ang iba pang sasabihin ng itaas ng ama ang isang kamay, senyales na tumigil siya.
"Huwag na natin silang pag-usapan, ang mahalaga safe si Liesly ngayon." Mr. Rodrigo.
Huminga ng malalim si Demark dahil sa sinabi ng ama. Marahil ay alam ng ama na pera lamang ang habol ni Melinda dito at nalulong din ito sa sugal, pero nagbulag-bulagan lamang ang ama niya.
"Fine, nakakatawa dahil ako pa ang dapat umalis sa sarili Kong pamamahay." Sagot niya.
"Kailangan ko ng umalis, dumaan lang ako dito upang siguruhing ligtas si Liesly." Tinapik si Demark ng ama sa kabilang balikat. "Tatawagan kita mamaya after ng meeting ko."
BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
JugendliteraturHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...