Natigilan si Lesley sa huling sinabi ni Trixie, hindi pa nga siya nakakabawi sa labis na pagkagulat dahil sa walang pasabi na pagdating ng taong naging dahilan sa muntik na pagkawala ng baby niya. Kung sabagay wala siyang karapatan ito na pagbawalang pumunta dito. Nanginginig ang mga kamay na napahawak sa tapat ng tiyan sa takot na baka may gawin na namang masama sa kanya ang babae.
Masasakit ang mga salitang binitiwan ni Trixie pero ang mas inaalala niya ang magiging reaksyon ni Landon. Hindi niya maipaliwanag kung bakit mahalaga sa kanya na baka maniwala ang lalaki sa mga pinagsasabi ng pamangkin nito.
Pigil ang luha na huwag kumawala sa kanyang mga mata na sinalubong ang nagbabagang mga mata ni Landon. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili sa harap ni Landon ngunit ang pagkibot lamang ng kanyang mga labi ang nagawa niya.
“Go to your room, Lesley.” Hindi inaalis ang tingin sa kanya ni Landon nang buksan ang maindoor. Gumagalaw ang mga panga nito at matalim ang mga mata na nakatitig lamang sa kanya. Buong pangalan din niya ang binigkas ng lalaki hindi ang nakasanayan nitong itawag sa kanya. Isa lang ang ibig sabihin nito-galit ang binata.
“Hi-hindi totoo ang mga sinasabi ni Trixie, wala akong plano na ganoon,” Hindi niya alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob, ang gusto lang niya sa ngayon ay siya ang paniwalaan ni Landon. Kahit maliit ang tsansa na mangyari iyon dahil pamangkin nito si Trixie.
“Ako ang mas nakakakilala sa kanya, uncle, kaya alam ko ang galawan ng babaeng 'yan,” mataray na dagdag ni Trixie, nakuha pang humawak sa braso ni Landon tanda na paniwalaan ito ng tiyuhin.
“Hindi-“
“Are you depth? I said, go to your room now.” Mariing wika ni Landon at hindi na pinatapos ang iba pa niyang sasabihin.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Landon at Trixie. Hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha ng lalaki habang ngiting tagumpay naman si Trixie. Bago pa tuluyang bumuhos ang kanina pa pinipigilang mga luha ay nagtatakbo siya papasok sa loob ng bahay diretso papunta sa kuwartong ginagamit. May iba pang sinabi si Landon ngunit wala na siyang naintindihan dahil pagtalikod pa lamang niya ay nagpaligsahan na ang mga luha niya sa pagbagsak.
Pagdating sa kuwarto agad siyang dumapa sa kama at doon ibinuhos ang lahat ng sama ng loob. Pakiramdam niya ay wala siyang kakampi ng mga sandaling iyon. Kung narito si Demark ay hindi ito makapapayag na pagsalitaan siya ng masama ng kahit na sino.
Basang-basa na ang unan ni Lesley pero balewala iyon, awang-awa din siya sa sarili. Hindi na siya umaasa na papakinggan ni Landon ang side niya, malamang tulad ni Trixie ay masama na din ang tingin sa kanya ng lalaki.
“Magkakalahi nga sila, pareparehong masasama ang pag-uugali. Mabuti na din siguro na magalit sa akin si Landon ng sa gano'n ay makauwi na ako sa Cebu.”
Mahabang sandali pa ang lumipas na wala siyang ginawa kung 'di ang umiyak nang umiyak. Lalo siyang nalungkot dahil walang Landon na dumating para kumustahin ang baby niya. Nasanay siya na kapag ganitong oras ay nakahanda na ang kanyang meryenda. Baka nagpapabook na ito ng flight patungong Cebu. Bakit ba mas nasasaktan siya sa isiping mapapalayo sa lalaki? Samantalang masama naman ang ugali nito.
HINDI halos maimulat ni Lesley ang mga mata resulta ng walang tigil niyang pag-iyak kanina. Wala siyang ideya kung ilang oras siyang nakatulog, nang ilibot ang paningin sa buong kuwarto ay madilim na. Nang makapag-adjust sa dilim ay kinapa niya ang switch ng lampshade na nasa katabi ng kama.
“Bakit ka tumakbo kanina?”
Kasabay ng pagkalat ng liwanag sa buong silid ang naninitang tinig ni Landon ang nabungaran niya. Hinanap niya ang nagsasalita, nakadekuwatro ang lalaki na nakaupo sa gilid ng kama kung saan ito natutulog. Unang araw pa lamang nila dito ay hindi pumayag ang lalaki na mapag-isa siya sa kuwarto, katuwiran nito ay baka daw sumakit bigla ang tiyan niya at least daw narito ito para maisugod siya sa ospital. Kaya naman hindi niya nagagamit ang buzzer na itinuro ng lalaki na pipindutin kapag may kailangan siya.
BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
Teen FictionHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...