27

1.8K 87 13
                                    

Follow my Wattpad account: Assumer21
Instagram: assumer_21
YouTube: nozat ideas
___

Thank you po sa lahat ng mga sumusubaybay sa story ko(^^)
_____

"Lola. . . Tulong. . ."

Bigla na lamang nagsisigaw si Lesley na ikinagulat ni Lola Mely at Aling Chameng pero hindi si Landon dahil alam niyang ito ang mangyayari. Nagalit siya nang bigla na lang patayin ng babae ang kanyang tawag, tatanungin sana niya ito kung ano ang gustong ipabili sa bayan. Nawala na siya sa mood na magpatuloy sa pagtatrabaho dahil sa ginawa ni Lesley, hindi ba naisip nito na may gusto pa siyang sabihin? Sa pamamagitan ng CCTV na ipinalagay at connected sa kanyang cellphone, hinintay muna niyang makapasok sa loob ng bahay ang maglola saka nagmamadaling tumayo mula sa harap ng computer. Kinuha niya ang mga bulaklak na binili malapit sa grocery, nakaugalian na niyang bilhan ng mga bulaklak si Lesley mabuti na lang hindi na ito nag-uusisa kung bakit siya bumibili ng bulaklak araw-araw Kung 'di ay hindi rin niya ang eksaktong rason basta magaan sa pakiramdam na nakikitang ngumingiti ang babae sa tuwing dinadalhan niya ng iba-ibang uri ng bulaklak, gaya ngayon Holland tullip ang kanyang binili. Malalaki ang hakbang na nilisan ang maliit na opisina na inutos niyang ipagawa ni Helen bago ito magpakasarap sa pagbabakasyon sa Korea kasama ng buong pamilya.

Gusto niyang suntukin at murahin ang sarili dahil nang makita si Lesley at awtomatikong nahalikan niya ito sa pisngi ng hindi sinasadya, tama hindi niya iyon sinadya basta na lamang siya kumilos na para bang wala sa sarili. Sa totoo lang nawala agad ang galit na nadarama niya bago umuwi nang mahalikan ang babae, nagiging marupok na yata siya dahil dito. Pilit niyang ipinakita rito na nagagalit siya.

Maging siya ay naninibago sa sarili, madalas kapag nasa trabaho siya ay nakatitig lamang siya sa cellphone at pinapanood ang bawat galaw ni Lesley habang nakabukas ang linya ng tawag para dito. Nakaugalian niyang pagmasdan ito mula sa kuha ng CCTV camera at parang wala sa sarili na ngumingiti siyang mag-isa kapag hinihimas ni Lesley ang malaking tiyan at kinakausap ang kanilang anak.  Hindi sila nag-uusap o mas tamang sabihin na hindi niya kinakausap ang babae maliban na lamang kung importante. Ayaw niyang putulin ang tawag at mawala sa paningin si Lesley na paikot-ikot lang naman sa loob ng bahay dahil bawal ito magtungo kung saan ng hindi siya kasama.

"Dyusko, Sisay, daig mo pa ang batang kinakatay na buntis na baboy kung sumigaw," saway ni Lola Mely.

"Lola, wala kayong alam. Hahalik-"

Bago pa magsumbong si Lesley kay Lola Mely na tiyak pareho nilang ikakapahiya ay mabilis siyang tumayo upang alalayan ito patungo sa kuwarto.

"Ahm, Lola Mely, papasok na po muna kami sa kuwarto, napagod lang siguro si Lesley," hindi siya sigurado sa sinabing iyon basta ang mahalaga mailayo si Lesley upang huwag magsalita ng tungkol sa mga batas nilang dalawa.

Nahawa na yata siya sa pagiging isip-bata ni Lesley, hindi niya akalaing aabot sila sa usaping batas. Ang Bawal Bastos Law na ipinapanakot nito sa kanya. Lihim niyang pinagtatawanan ang sarili nang maalala ang inimbentong Landon Act. 143 o ang Bawal Reklamo Law. Pinagbantaan naman niya ito na paparusahan sa pamamagitan ng halik sa bawat pagkakamali. How pathetic!

"Let's go, kid." Hinawakan ni Landon sa kamay si Lesley para makatayo pero may kasamang pamimilit ang ginawa niya ngunit tiniyak na nag-iingat, ayaw niyang madamay ang magiging anak nila. "Subukan mong sabihin sa kanila, baka rape-in ulit kita." Yumuko siya saka bumulong sa babae nang may himig pananakot.

Tumingin sa kanya ng hindi makapaniwala si Lesley. "Baka ma-i-pit si baby, hindi ka ba naaawa sa anak natin. Akala ko ba mahal mo ang anak natin, bakit mo ako ulit rereypin?" Inosenteng tanong nito na hindi nakaligtas sa pandinig nina Lola Mely at Aling Chameng.

The Young BRIDE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon