DEMARK's POV
"Tatay Romy ibalik mo ang sasakyan,I forgot my phone." naalala niya ng maalalang tatawagan niya ang ina.
Pitong taon pa lamang siya ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang sa kadahilanang hindi na sila magkasundo. Naiwan siya sa pangangalaga ng ama habang ang ina ay sa America na nanirahan, doon na din ito nagkaroon ng bagong pamilya. Ganoon din ang ama na may bagong kinakasama ngayon pero wala naman siyang pakialam sa lovelife ng mga magulang nasanay na siyang nag-iisa palagi. Nakatira nga silang mag-ama sa iisang bubong pero madalang pa sa patak ng ulan kung magkita sila. Mabuti pa ang ina kahit nasa malayo ay nagagawa siyang tawagan paminsan-minsan.
"Hindi ba siya yung kaklase mo?" narinig niyang sabi ng driver.
"Just focus on your driving.''hindi siya nag-abalang imulat ang mga mata sa sinabi ng kanyang driver at hindi na ito nagsalita pa."Kayo na ang kumuha ng cellphone sa pad ko."
"Tiya ilang ulit ko po sa inyong sinasabi wala po kaming relasyon,sinamahan-"
"Magsisinungaling ka pang malandi ka."
"Nay yung favorite stiletto ko sinunog ng malanding yan ng katol!kanina ko lang nalaman kung di ko pa gagamitin!."
"Mas Mahal pa sa buhay mo yon Sisay!kahit magsilbi ka sa akin ng habang buhay hindi mo mababayaran ang gamit ng anak ko."napalingon siya sa pinanggalingan ng mga nagsasalita ng ibukas ng driver ang pintuan ng kotse kaya dinig na dinig niya ito lalo na ng marinig niya ang pangalan ng kaklase.
"Nakakaawang bata tsk,tsk." sabi ni tatay Romy bago lumabas ng kotse para kuhain ang cellphone niya.
"Let her go or I'll call the police."maang na napalingon sa kanya ang babaeng may hawak sa buhok ng kaklase at itinigil ang ginagawang pagsampal sa mukha nito.
Hindi na niya hinintay pang magsalita ito ,hinawakan niya sa kamay si Balansag at marahas na tinanggal ang kamay na nakahawak sa buhok ng kaklase.
" Hoy sino ka at saan mo dadalhin ang pamangkin ko!tatawag ako sa police."singhal sa kanya ng babae.
"Nay,classmate yan ni Sisay yung kasama kanina."naulinigan niyang sinabi ni Miles na nanay pala nito.
"Sinasabi ko na nga bang bata ka napakalandi mo!napakabata mo pa nakikipagnobyo ka na,susundan mo talaga ang yapak ng ina mo."hinila niya ang umiiyak na kaklase patungo sa likuran niya ng tangka ulit itong sasaktan ng tiyahin.
"Call them now!and I'm sure ikaw pa ang ikukulong nila.How could you say she is your niece?Look what you've done to her." at sinulyapan niya ang nasa likuran na nanginginig sa takot bago muling nagsalita."There is a camera in this area and I will send it to the police."halatang natigilan ito sa sinabi niya."Ricky get the copy of what happened now,including yesterday."utos niya sa security na nakatayo sa may gate ng school at mabilis itong sumunod.
"Nay,anong gagawin natin baka totohanin ni Demark yung sinabi niya." Miles
"Hoy saan mo dadalhin si Sisay?ikaw ang idedemanda ko ng kidnapping." tungayaw nito ng hinila niya ang kaklase pasakay sa kanyang kotse,pero hindi na niya ito pinansin.
"Do what you want old lady, tingnan natin kung sino ang mabubulok sa bilangguan," nahintakutan yata ang tiyahin ni Lesley dahil napaurong ito.
"Bakit ka nakialam?lalong magagalit sakin si tiya Helen."umiiyak pa ring sabi ni Balansag ng nasa loob na sila ng kotse."Uuwi na ako,lalo mo lang akong ipinahamak."
"Demark ito na ang cellphone mo."kinuha niya ang cellphone sa driver."Let's go home." utos niya dito.
"Hello,Ricky bukas ko ipapakuha ang hinihingi ko." sabi niya sa kabilang linya ng tawagan ang security gaurd.
BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
Teen FictionHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...