Follow me on WATTPAD- assumer21
Instagram- 21assumer
"Is that all you need?" Walang kagana-kaganang tanong ni Landon, hindi pa tuluyang nakakalapit si Lesley sa lalaki, nakasandal ito sa pader habang nakalagay ang mga kamay sa tapat ng dibdib. Malapit ito sa may entrance ng medyo may kalakihang stall ng mga branded na damit sa isang mall dito sa bayan. Pagkatapos nilang makuha ang resulta ng sonogram ay nagtungo agad sila dito. Sa kabutihang palad ay malusog ang kanilang baby.Sandaling tinapunan ni Lesley ng tingin ang tig-dadalawang piraso ng maternity dress at bra. Pinili pa niya ang may pinakumarang presyo pero para sa kanya ay napakamahal niyon, kung sa tiange sila sa may palengke bibili tiyak na makakamura sila ng malaki. Siguro kahit sampung maternity dress at dalawang dosenang bra ang bilhin niya ay maliit ang babayaran ni Landon kumpara sa apat na pirasong hawak matapos sukatin sa fitting room.
"Oo," tipid na sagot niya.
Lalabhan na lang niya araw-araw ang bra at ang maternity dress naman ay gagamitin lamang kapag may pupuntahan. Walang problema sa kanya kung malalaking t-shirts ang susuotin sa loob ng bahay, sanay siyang makuntento sa mga bagay kung ano ang nariyan, hindi niya ugaling maghangad ng mga materyal dahil lahat ng ito ay hindi madadala kapag namatay ang isang tao at isa pa wala siyang pambili ng luho o kahit pangunahing pangangailangan sa katawan. Kahit minsan hindi siya humiling sa Diyos na karaniwang ipinagdarasal ng mga kabataang tulad niya gaya ng mga mamahaling cellphone, damit, make-up o bag.
"This way po, ma'am." Itinuro ng saleslady na nag-assist sa kanya nang sabihin niyang babayaran na niya ang mga napili.
Wala nga pala siyang pera. Natitigilang napatingin muli siya kay Landon na umalis mula sa kinatatayuan. Akala niya ay mauuna na ang lalaki na magtungo sa counter para magbayad sa halip ay nilampasan lang siya nito.
"Follow me," utos pa ni Landon sa naturang saleslady na hindi man lang sila tinapunan ng tingin.
"Yes, sir. Ma'am maiwan ko po muna kayo." Kiming ngumiti kay Lesley ang saleslady nang magpaalam.
Baka may bibilhin si Landon ngunit napagtanto ni Lesley na maternity shop pala ang kinaroroonan nila. Mabilis ang kilos ng saleslady sa bawat sinasabi ng kasama na hindi niya masyadong maunawaan dahil may kalayuan ang mga ito, kaya minabuti niyang lapitan ang lalaki.
"Take that,"
"Take this,"
"Give me that color and design too,"
Iyon ang mga salitang naulinigan ni Lesley nang tuluyang makalapit kay Landon na walang tigil sa pagmamando sa saleslady na tila nagpapapungay pa ng mata ang babae sa tuwing magtatanong ng "Alin pa po, sir?"
Landi nito! Mukha lang pala mahinhin!
Kumukulo talaga ang dugo ni Lesley pero hindi niya ipinahalata. Pakialam ba niya kung lahat ng babae dito sa mall ay mag-flirt kay Landon!
"La-landon," kuha niya sa atensyon ng lalaki.
"Isama mo na ang lahat ng ito, bring all of that at the counter." Matapos tingnan ni Landon ang nakadisplay na may iba't-ibang kulay at disenyo ng mga bra na maari ding gamitin kapag nagpapabreastfeed.
"Yes, sir," mapang-akit na sagot ng saleslady.
"Sobra-sobra ang mga i-yan." Itinuro ni Lesley ang mga bra na malanding inilalagay ng saleslady sa cart, alam niya sa sariling namumula na ang kanyang mukha dahil sa hiya. Kabisado din ni Landon maging kung ano ang sukat na naaangkop sa kanya.
Lalong naningkit ang mga mata ni Lesley nang tingnan ang malanding saleslady pero agad ding binawi iyon dahil baka mahalata ng mga ito.
"Kulang pa ang mga 'yan, wifey, next time na tayo ulit mamili. I'm sure you're hungry and our baby." Inakbayan siya ni Landon saka hinawakan ng kabilang kamay ang kanyang tiyan. "Right, baby? Be a good boy there inside, we're excited to see you soon, son." Yumukod pa ng bahagya ang lalaki na umabot lamang sa may dibdib niya ang mukha nito. "I don't have any idea how to be a father but I am trying my best."
BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
Teen FictionHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...