22

2.3K 121 49
                                    

_____

Nanlamig ang buong katawan ni Lesley nang isara ni Landon ang pinto matapos hakutin lahat ni Tiya Helen ang mga gamit mula sa kuwarto. Malakas ang aircon pero hindi iyon nag dahilan muli siyang nakaramdam ng pagkailang ng mapagsolo silang dalawa.

Walang imik na inalis ni Landon ang isang braso sa kanyang balikat, hinubad nito ang suot na hoodie jacket, tanging ang suot na puting t-shirts ang natirang pang-itaas at inalis ang nakasukbit n espada na nakalagay sa isang gawa sa bakal na may disenyong dragon inihagis nito ang jacket at espada sa couch na naroon.

Sinusundan lang ni Lesley ang bawat galaw ni Landon samantalang hindi naman inaalis nito ang mga mata sa kanya kaya minabuti niyang ibaling sa mga kamay ang atensyon.

"Sa-salamat," basag niya sa katahimikan makalipas ang ilang beses niyang paghinga ng malalim ay nagtagumpay din siyang sabihin iyon. "Kung 'di ka dumating-" naiiyak habang nakayuko at nilalaro ang ibabang bahagi ng suot na malaki at lumang t-shirts na itim na nagmistulang maternity dress na umabot hanggang tuhod niya na tinernuhan ng manipis na short bilang pambaba.

Hindi na naituloy ang iba pang sasabihin ni Lesley nang ililis ni Landon ang manggas ng suot at marahang hinaplos ang bahaging may pasa dulot ng mahigpit na paghawak ni Tiya Helen kanina at noong isang araw. Ayan na naman ang puso niyang naaabnormal sa pagtibok natakot siyang magtaas ng tingin dahil baka himatayin na siya sa sobrang kaba. Sa bawat pagdampi ng kamay ng lalaki sa kanyang balat ay kakaibang init ang bumabalot sa buong katawan niya.

Nakahinga ng maluwag si Lesley nang bitiwan ni Landon ang kanyang braso makalipas ang ilang minuto. Pero ang kanyang magulong buhok na sinabunutan ni Tiya Helen naman ang ingat na ingat na sinuklay nito gamit ang sariling mga daliri na para bang ayaw mahila kahit isang hibla ng buhok niya. Iniyuko pa niya ng husto ang ulo upang iwasan ang pagsasalubong ng mga mata nila, parang tumatagos sa buong katawan niya ang paraan ng pagtitig ng lalaki na nakatayo sa kanyang harapan.

Yumuko si Landon sa tapat ng malaki niyang tiyan matapos ayusin ang kanyang buhok. "Miss me, kiddo? Tatay is here." Kausap sa anak nilang nasa sinapupunan niya hindi pa nakuntento ang lalaki inilapit pa ng husto ang tainga sa tiyan niya at hinaplos ito. "Sorry-"

"La-landon," boses ng tiyahin na marahang kumatok kaya hindi naituloy ni Landon ang iba pang sasabihin sa kanilang anak.

"What?" iritableng tanong ni Landon na nanatiling nakayuko sa tapat ng tiyan niya.

"Sigurado akong sa 'yo ang maletang nasa labas, di-nala ko na dito sa loob," bakas ang pagkailang sa boses ni Tiya Helen pero halatang nagpapalapad ng papel kay Landon dahil sa mga bantang kayang gawin ng lalaki.

"Come in," utos ni Landon.

Bago pa bumukas ang pinto ay mabilis na lumayo si Lesley kay Landon nahihiya siyang makita sila ni Tiya Helen sa ganoong posisyon pero mas mabilis siyang kinabig pabalik ni Landon palapit dito.

"Stay." Utos ni Landon na ngayon ay nakapalibot na naman ang matitipunong braso sa bewang niya.

Bumakas sa mukha ni Tiya Helen ang pagkagulat sa posisyon nila ni Landon na walang pakialam habang patuloy ang paghaplos sa kanyang tiyan at may kung anong ibinubulong sa anak nila. Napansin niya ang nanlilisik na mata ng tiyahin na tumingin sa kanya na parang itinulos sa kinatatayuan.

"Lan-don, ito na ang mga gamit mo, baka manakaw pa sa labas ng bahay." Hinila ni Tiya Helen ang may kalakihang maleta sa loob ng kuwarto malapit sa pintuan hindi ito pumasok sa loob na para bang ito ang nakikitira sa sariling bahay.

"You may leave," iritable pa ring wika ni Landon na 'di tinapunan ng tingin si Tiya Helen.

Tumayo si Landon na sa kanya lang nakatuon ang buong atensyon. "I will cook you for dinner, I know you're hungry it's past six in the evening." Malayong-malayo ang ekspresyon ng mukha nito sa kaninang parang galit na leon pero ngayon ay puno ng pag-aalala sa mga mata nitong itim na itim.

The Young BRIDE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon