"Fuck, hurry up! Ipapasara ko ang pipitsugin na hospital na ito. Go, gamutin ninyo agad siya." Maingat ngunit mabilis inihiga ni Landon sa stretcher ang walang malay na babaeng nabuntis niya-ultimo pangalan hindi niya matandaan, but he doesn't really care.
Mabilis na kumilos ang mga nurse at doctor sa maliit na hospital, nakita niyang natataranta ang mga staff doon sa pag-aasikaso sa babae. Nanliliit ang mga mata niya sa sobrang galit mula pa kanina ng pinipigilan siya nang tarantadong Demark na iyon, idagdag pa ang iyakin na batang ito, yeah, bata- sa pagkakaalam niya ay kasing edad lamang ito ng kanyang pamangkin- si Trixie.
Napapailing siyang sumandal sa pader at inilagay ang dalawang braso sa dibdib. Magkasalubong ang makakapal na kilay habang naiinip na naghihintay sa labas ng ER.
"Tsk, I lost a million dollars for this nonsense. Kung pwede ko lang kaladkarin ang pesteng batang iyon sa Finland, ginawa ko na. Fuck! Fuck! Kapag tumagal pa ako dito sa Pilipinas, hindi lang million ang mawawala sa company ko."
"Prince Landon, tumawag po ang piloto ninyo. Pinapasa-"
"Damn Dimitri, and tell that bastard pilot- can't you see, I have a fucking problem, because of that little- get out of sight, now!" Bulyaw niya sa driver at butler na sa isang iglap lang ay nawala sa kanyang paningin.
Napabuga siya ng marahas at mariing pumikit ng mga mata, kasabay ng paghilot sa kanyang sentido. Sumasakit ang ulo niya sa isiping malaking halaga ang nawala sa kanya. Bawat minuto ay pera ang katumbas niyon. Maraming investor ang nagkukumahog at kulang na lamang ay lumuhod sa harapan niya upang maging bahagi nang Harkin's Empire. Kung iisipin ay hindi niya kailangan ng pera nila, tumatanggap siya ng malalaking investment mula sa mga kilalang tao na nagmula pa sa iba't ibang panig ng mundo- mayayaman at higit sa lahat makapangyarihan sa kanilang nasasakupan. At sa oras na maging bahagi sila nang kanyang emperyo, siya ang tinitingala ng lahat ng nasasakupan niya. Para saan pa ang ipinag-utos niya sa lahat na ang kailangang itawag sa kanya ay Prince Landon Harkin. Nababagay lamang ito sa kanya na nagmamay-ari ng pinakamalaki, pinakamayaman at pinakatanyag niyang kumpanya- sa buong mundo. Different hotels, resorts, airlines, malls, telecommunications, mining, just name it lahat ng negosyo ay mayroon siyang pag-aari, basta pagkakaperahan. Hindi na rin kagulat-gulat kung napakarami niyang properties, ang iba dito ay ibinigay sa kanya bilang regalo nang mga hari, presidente, ministro at kung sinu-sino pa na sumasaludo sa kanya.
Bakit nga ba ang isang Landon Harkin ay tinitingala ng lahat? Simple lang, dahil sa tagumpay niya at angking galing sa paghawak ng mga negosyo. Sa edad niyang bente otso, naabot na niya ang matagal nang pinapangarap-kapangyarihan at pera, kung wala kang pera, alikabok ka lang- fucking DUST!
Dugo at pawis ang ipinuhunan niya para lang maabot kung ano ang mayroon siya ngayon. Isama pa ang pagiging tuso at pagkagahaman niya- aminado siya sa masamang ugali, the hell he care! Hindi na siya muling makapapayag na bumalik sa alikabok at tapak-tapakan!
"Sir, ma-"
"Prince, call me Prince Harkin," mariing saad niya sa doctor na lumabas mula sa emergency room, at nagbabantang tiningnan ito. "What about her, just make sure na matutuwa ako sa ibabalita mo."
BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
Teen FictionHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...