Available po sa aking YouTube channel ang trailer ng The Young Bride, sana po PANOORIN ninyo😘and please subscribe na din po kayo ASSUMER 21 CHANNEL 😍
-----"Ito pa,tapusin mo yan,kailangan matuyo lahat ngayong araw yan!" Mataray na sabi sa kanya ng tiya Helen niya at ibinagsak sa harapan niya ang gabundok na labada.
"Tiya Helen, may pasok pa po ako sa eskwela ngayong araw at meron din po kami ng exam" Sabi niya sa tiyahin.
Nasa poso siya at kasalukuyang naliligo ng dumating ang tiyahin dala ang maraming marumi na damit.
"Gusto mong matuktukan na naman Sisay!" Singhal nito na nakapamewang pa sa harapan niya.
Dahil sa narinig ay nakaramdam siya ng takot na naman sa tiyahin.Ganito talaga ang turing nito sa kanya,magmula ng tumira siya sa bahay ng mga ito,kasama ang mga pinsan at Lola Mely niya.
"Hala,umpisahan mo na yan!wala ng isusuot na uniform ang mga pinsan mo bukas." Sabay tinalikuran siya ng tiyahin at bumalik sa loob ng bahay na umaalog ang mga bilbil sa pagmamadali mataba kasi ito na parang si Ruby Rodriguez kabaligtaran lang dahil maitim ang tiyahin na kahawig ni Zoraida sa biglang tingin.
Lulugo-lugo siyang nag-ipon ng tubig sa batya sa pamamagitan ng mabilis na pagbomba sa lumang poso habang umiiyak.Palagi na lang siyang lumiliban sa klase dahil sa mga ipinapagawa sa kanya ng tiyahin. Pagkagaling niya galing sa eskwela ay ginagawa agad niya ang mga gawaing bahay ng sa ganon ay wala itong masabi.Pero kahit ginagawa na niya ang lahat ay gumagawa ito ng dahilan o naghahanap ng pwedeng ipagawa sa kanya.Parang ayaw makikita ng tiyahin na wala siyang ginagawa,at wala din itong pakialam sa pag-aaral niya.
Pero Hindi siya nawalan ng pag-asa,mabilis ang kilos niyang inumpisahan ang paglalaba.Kahit late na ay papasok pa din siya,bakasakaling mapakiusapan niya ang math teacher nila na mabigyan siya ng special exam.
Makalipas lang ang isang oras ay nagsasampay na siya ng mga nilabhan.Nakahinga siya ng maluwag dahil sa wakas patapos na siya sa ginagawa.
"Sisay,tanghali na,Hindi ka ba papasok sa eskwela?" Tanong sa kanya ng Lola Mely niya nang makita siyang nagsasampay ng damit sa harapan ng bahay nila.
"Eh,La,papasok po ako,matatapos na po ako dito."nakangiting sagot niya sa abuela na abala sa pagwawalis ng mga dahon sa harapan nila.
Ayaw niyang ipahalata dito na nahihirapan siya sa ginagawa ng pagtrato sa kanya ng tiyahin.Ipinagtatanggol naman siya ng kanyang Lola kapag inaapi siya ng tiyahin at mga pinsan niya.Pero lalo lamang siyang pinag-iinitan ng mga ito.At isa pa, matanda na ang Lola niya,nakakalungkot lang dahil ang tiyahin niya ay mismong kapatid ng nanay niya.Pero kung ituring siya nito ay parang di kadugo kundi katulong ang tingin sa kanya.
Pagpasok niya sa loob ng bahay,ay wala na ang tiyahin niya malamang ay nasa palengke na ito kasama ang Tiyo niya.Mayroon kasi itong maliit na pwesto ng mga gulay sa palengke,kapag walang pasok ay tumutulong din siya doon.Ang tatlo naman niyang pinsan ay lahat nag-aaral at isang eskwelahan lamang ang pinapasukan nila.
Mabilis siyang nagbihis ng uniporme at dali-daling ipinusod ang buhok niyang lampas balikat.Hindi na niya ito sinuklay pa,pabasta na lamang niya itong itinali,kaya halatang di man lang nadaanan ng suklay.
" Lola,aalis na po ako."paalam niya sa matanda at nanakbo na siya palabas ng gate na kahoy.Malapit lamang ang school na pinapasukan niya,kaya makalipas ang mahigit sampung minuto ay humahangos siyang nakarating sa malaking tarangkahan ng kanilang school.
Naabutan niyang nakasarado na ito kaya kinatok niya ang gate.
"Ineng,ilang beses ko ng sinasabi sa iyo at alam mo rin na mahigpit na ipinagbabawal na mahuli sa klase kaya isinasarado na ito kapag mag-uumpisa na ang flag ceremony." Sita sa kanya ng guard.
BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
Teen FictionHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...