DEMARK'S POV
"May nalimutan ka pa bang iutos sakin kaya mo ako hinila pabalik dito sa school." Pangungulit ni Sisay sa kanya.
Itinulak niya Ito papasok sa kotse niya na nakapark sa labas ng school nila.
"Tatay Romy akina ang ipinabili ko sa inyo." Sabi niya ng makapasok na din siya sa loob.
"Ito sir." Sabay abot sa kanya ng isang plastic.
"Huy....ano yan..bakit mo itinaas ang palda ko?" Nanlalaki ang mga matang sabi nito at Agad na ibinababa iyon.
"Hindi mo ba nakikita lalagyan ko ng gamot ang sugat mo!" Paliwanag niya dito at muling itinaas ng bahagya ang palda nito.
"Ako na ang maglalagay." Sabay iwas ng tuhod nito ng lalagyan niya ng agua oxinada ang sugat.
"Tsk,wag kang malikot!" Inis na saway niya sa kaklase at hinawakan ang hita nito upang huwag makagalaw.
"Aray naman!dahan-dahan lang naman.." Daing nito."Bakit Pati sugat ko kasi pinakikialaman mo."
Kanina pa niya ito napapansin na nahihirapang lumakad at ng papasakay na siya sa sasakyan niya ay napansin niyang may tiningnan ito sa binti kaya nilapitan niya.
"Kung anuman ang mangyari sayo baka lalo mong Hindi matapos ang ipinapagawa ko,kailangan ko na ang mga iyon bukas." Paliwanag niya ng Hindi ito tinitingnan sa mukha dahil abala siya sa paglilinis sa sugat nito.
"Malayo iyan sa bituka at saka maliit na sugat lang naman..aray!dahan-dahan,masakit."reklamo nito.
"Sugat lang pala,pero kung maka-aray ka wagas!O ayan tapos na." Sabay tulak niya sa binti nito."Iuwi mo na ito,baka wala kayo nito sa bahay ninyo."sabay hagis niya dito ng medicine kit.
"Uuwi na ako,kung wala ka ng sasabihin pa." Marahan itong lumabas ng sasakyan niya.
"Sumakay ka na ng traysikel!" isiniksik niya ang pera sa bulsa ng bag nito upang Hindi na makatanggi.
"Kaya ko namang maglakad."paliwanag nito.
" Wag ng matigas ang ulo mo Balansag,sumakay ka na at gawin mo kaagad ang utos ko sayo!tatawagan kita mamaya."at isinara na niya ang pintuan ng kotse.
"Wala akong cellphone!" Narinig pa niyang sagot nito.
"Umalis na tayo mang Romy." Utos niya sa driver.
Bago sila tuluyang makaalis ay natanaw niya ang kaklase na sumakay ng traysikel.
"Sir,nakakaawang bata naman ang kaklase mo." Puna ng driver.
"Hayaan nyo siya tatay Romy,basta ang mahalaga magawa niya lahat ng ipinapagawa ko." Balewalang sagot niya dito at ipinikit ang mga mata.
"May sinasabi pa ba kayo tatay Romy?" Tanong niya ng may naulinigan siyang parang binubulong nito.
"Wala sir,baka guni-guni mo lang iyon." Mabilis na sagot nito.
Bata pa lang siya ay family driver na nila ito,madalas magkukwento siya dito at walang inililihim.Dapat sana ay sa magulang siya nagkukwento tungkol sa nararamdaman niya pero Hindi dahil abala ang mga ito sa kanya-kanyang trabaho.
______
SISAY'S POV
"Ineng wala akong isusukli sa Isang libo mo,syete pesos lang naman ang kailangan ko." At ibinalik ng traysikel drayber ang pera sa kanya.
"Kuya wala po talaga eh,limampiso lang po ang barya ko sa bulsa."paliwanag niya.
"Pwede na ang limampiso,kesa naman mamoroblema pa ako ng isususkli sa pera mo." Sagot nito.
BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
Novela JuvenilHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...