32

3.5K 102 76
                                    


Please visit and subscribe my YouTube channel: ASSUMER21 CHANNEL

"Napakamalas naman ng pagpunta ko dito," reklamo ni Elizar habang bitbit ang mga pinamili niyang prutas para kay Lesley at ang binili ng pinsan na isang dosenang chicken sandwich at frappe sa Starbucks. Nakapagtataka dahil hindi ito kumakain ng ganoong pagkain pero wala siyang panahon magtanong dito kung para kanino ang mga binili nito.

"Bilisan mo na sa paglalakad." Mabilis ang paglalakad ni Landon sa direksyon patungo sa kuwartong inuukupa ng asawa at anak.

Nasa labas siya kanina ng kuwarto ng asawa ng dumating si Elizar at nagyayang magpalibre ng tanghalian pero hindi naman ito kumain at nagtake out lamang.

"Ikaw na ang magdala nitong mga prutas para kay Señorita Lesley, natatapon na ang frappe na binili ko,"

Tinabig niya ang kamay ni Elizar na may hawak ng mga prutas. "Malapit na tayo, kayang-kaya mo ng gawan ng paraan 'yan."

Halos takbuhin na ni Landon nang matanaw ang pinto ng kuwarto ni Lesley, kanina pa siya hindi mapakali habang nasa labas ng ospital parang hinihila ang kanyang paa na muling makita ang mag-ina. Ganito pala ang pakiramdam ng isang ama at asawa, ayaw niyang mawala sa paningin ang mga ito kung hindi lang sa pangungulit ng pinsan na pinagbigyan na din niya upang bilhan na din ng prutas ang asawa.

Napakunot ang noo niya nang may marinig na ingay sa loob ng kuwarto mula sa nakaawang na pintuan.

"Miles, ang baby ko,"

Nakilala agad ni Landon ang boses ng asawa at dali-daling itinulak ang pinto. Tumambad sa kanya ang asawang mahigpit na yakap ang kanilang anak na pilit pinoprotektahan sa mga sampal at kalmot ni Miles habang mahigpit na sinasabunutan ang buhok nito.

"Stop!" dumagundong ang boses ni Landon sa buong silid na agad namang natigil si Miles sa ginagawang pananakit kay Lesley at gulat na napalingon sa kanya.

Inilang hakbang ni Landon ang pagitan nilang mag-asawa at agad itong niyakap.

"Ang baby ko," umiiyak pa ring paulit-ulit na sambit ni Lesley. "Ang baby ko,"

"Shh... I'm here, kid, I'm here." Sinuklay niya ang buhok ng asawa gamit ang mga daliri at hinawi ang nagkalat na hibla sa mukha nito. "I'm sorry, iniwan kita, I'm sorry, iniwan ko kayo,"

Tumingin si Landon sa kisame upang pigilan ang nagbabantang mga luha, para sa kanya kahinaan ang umiyak. Hindi dapat siya magpakita ng kahinaan sa harapan ng asawa at anak. Ngunit galit ang nabuo sa kanyang dibdib nang bumaling ng tingin sa mag-inang halatang nagulat sa pagdating niya.

Inalalayan niyang makaupo sa couch si Lesley at kinuha ang anak nila mula dito. Matapos suriin ang anak na walang kahit anumang galos ay inilagay ito sa crib saka hinarap ang mag-ina.

"Ano ba, bitiwan mo nga ako, nasasaktan ako," galit na sigaw ni Miles kay Elizar na pilit nagpupumiglas sa mahigpit na hawak ng pinsan.

"Nagsisisi ako na hindi ko itinuloy ang paggapos sa 'yo sa banyo," nagngangalit ang mga bagang na sabi ni Elizar kay Miles na hindi binibitiwan ang kamay nito.

Nang tuluyan siyang makalapit kay Elizar ay walang pakundangan na pinagsusuntok ang pinsan na labis na ikinagulat nito at dahilan upang mawalan ng balanse kasama si Miles ng bumagsak sa sahig dahil hindi binibitiwan ang kamay ng babae na napatili dahil na din sa pagkagulat at takot.

"Pinabantayan ko sa 'yo ang mag-ina para huwag makalapit sa asawa at anak ko pero anong nangyari?" Isang malakas na tadyak sa tagiliran ang ibinigay niya sa pinsan na namimilipit sa sakit habang nasa ibabaw ng katawan nito si Miles na patuloy sa pagtili marahil sa takot na tamaan ni Landon.

The Young BRIDE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon