CHAPTER EIGHT;::

2.9K 91 1
                                    

LIESLY/SISAY'S POV

"Mr. Rodrigo, ipinapatawag n'yo daw po ako." Sumilip siya sa loob ng library at nakitang nakaupo ito, waring hinihintay siya.

Wala itong kangiti-ngiti at seryosong nakatingin sa kanya matapos sabihan siyang maupo.

"Liesly, tinatanggal na kita bilang assistant ng anak ko." Hindi niya inaasahan ang sinabi ng kaharap.

"Mr. Rodrigo, bakit po? May nagawa po ba akong pagkakamali? Inaayos ko naman po ang trabaho ko." Natatarantang paliwanag niya.

"Pagdating sa trabaho mo, wala akong maipipintas." Mr. Rodrigo

"Kung ganun, bakit po ninyo ako sisisantehen?" Nag-aalalang tanong niya.

Ngayon pa lamang ay nag-aalala na siya, Baka wala na siyang maging amo na kasing bait  nito.

Sa halip na sumagot ay iniharap nito ang laptop sa kanya.

"Ano po ito?" Nagtataka siyang tumingin sa mukha ng kausap.

"Tingnan mo ang nasa monitor." Seryoso pa ring utos nito

Unti-unti niyang ibinababa ang tingin sa laptop na nasa harapan.

"A-ako po i-tong-itong mga nasa pic-tures." Nag-uunahan ng tumulo ang kanyang mga luha.

Kuha ang mga larawan noong gabi ng kanyang birthday, nakahiga siya sa kama at may lalaking nakayakap sa kanya. Kahit nanlalabo ang mga mata dahil sa mga luha ay nakikita niya ang hubad niyang katawan sa mga picture, iba-ibang anggulo at hindi maitatangging siya iyon.

"Liesly, akala ko isa kang mabuting bata, pero ano itong ginawa mo? Dito pa sa loob ng pamamahay ko." Mariing wika ni Mr. Rodrigo

"Mr. Rodrigo, hi-hindi ko po alam kung paano nangyari, paggising ko-" hindi niya naituloy ang sasabihin dahil lalong nanariwa ang lahat sa kanya.

Nagtakip siya ng bibig at humagulhol ng iyak. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ipagpasalamat ang tungkol dito, dahil nakita niya ang lalaking sumira sa kanyng buhay.

"How can you explain about this Liesly? Natulog ka lang at paggising mo wala na ang lahat." Umiiyak siyang tumango bilang pagsang-ayon sa sinabing iyon ni Mr. Rodrigo, naninikip na din ang kanyang dibdib sa matinding  pag-iyak.

"Alam mo bang isang malaking kahihiyahan para sa akin ang isyung ito? At kapag nalaman ng publiko na dito ka nakatira sa akin ay madudungisan ang pangalan kong matagal na iniingatan." Alam na niya ang patutunguhan ng mga salita ng kausap.

"Na-iintin-dihan ko po." Sagot niya sa pagitan ng paghikbi.

Muli siyang napasulyap sa monitor at tinitigan ang lalaking nakayakap sa kanya. Malaki ang pangangatawan nito, kahit nakatalikod sa camera ay parang kilala niya ito, hindi lang niya matukoy kung sino. Instinct.

"Pasensya ka na Liesly, but you need to leave my house." Masakit pa rin kahit alam niyang ito ang susunod na sasabihin ni Mr. Rodrigo.

"Thank you po sa lahat, Mr. Rodrigo." Pinahid niya ang mga luha at pilit pinakalma ang sarili.

Tumango lamang ito ng magpaalam siyang mag-iempake ng mga damit. Mabilis niyang nailagay sa isang bag ang ilang piraso ng mga damit ng mapansin niya ang alahas na ibinigay ni Mr. Rodrigo. Nagpasya siyang ibalik ito sa amo at ang relong kasama nito ay katibayan niyang mapanghahawakan.

Nakapagtatakang paano sila nakuhanan ng picture?

Ito ang kanina pa niya iniisip, ibig sabihin may iba pang nakakaalam ng nangyari at posibleng ang taong iyon ang kumuha ng mga picture.

The Young BRIDE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon