Please watch my video on YouTube and subscribe na din po kayo😍 NOZAT IDEAS is my account
Here's the link👉 https://youtu.be/to6EmgQJx50Follow me on Wattpad: Assumer21
My Instagram: assumer_21
Tiktok account: assumer21"Apo, kanina pa kita hinahanap narito ka lang pala sa labas ng gate,"
Bahagyang nginitian ni Lesley ang kanyang Lola Mely, hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanyang kinatatayuan.
"Naglalakad-lakad po ako dito sa labas, kailangan ko daw pong dalasan ang paglalakad sabi ng obgyne na bagong tumitingin sa 'kin." Tumigil siya sandali sa paglalakad upang kausapin si Lola Mely.
Nagdesisyon si Landon na ilipat siya sa isang private hospital sa bayan, naisip niyang mabuti iyon para sa kanila ni baby pero hindi lingid sa kanya na kakailanganin ng malaking halaga sa nalalapit niyang panganganak sa isang buwan. Hindi na siya nagtanong pa dahil alam na niya ang isasagot ng lalaki- Wala! Wala itong sinasabi kung 'di manahimik na lang daw siya! Hilig talaga mang-under! Hindi pa nga sila mag-asawa. Mula nga noong magpropose ito kunwari ay lalo yata itong naging mailap at tahimik, kung magsalita man ay pabulyaw o palaging mainit ang ulo. Mabuti na lang hindi siya mapagtanim ng sama ng loob, baka pati baby niya ay maapektuhan dahil sa ugali ng ama nito. Sobra-sobra naman kung alagaan siya at ang kanyang baby pero hindi ba naisip ni Landon na bawal sa kanya ang ma-stress? Palagi pa siyang iniiwan ng lalaki dahil kailangan nitong magtrabaho bilang katiwala sa mga negosyo ni Tiya Helen. Safe naman siya dito sa bahay nahiling niyang 'wag na sanang bumalik ang mga ito at doon na sa Korea manirahan.
"Apo, natulala ka na d'yan." Hinawakan siya ni Lola Mely sa kaliwang braso dahilan upang matigil siya sa pag-iisip ng Kung anu-ano.
"Ho? Ano pong sinasabi ninyo?"
"Ang sabi ko, halika na sa loob luto na ang ipinaluto kong ginataang bilo-bilo kay Chameng," tukoy ng matanda sa bago nilang kasambahay na kinuha ni Landon upang may makasama sila ni Lola Mely habang wala ito.
"Lola, magagalit po si Landon kapag kumain ako ng matamis." Pigil niya sa braso ni Lola Mely at tumingin dito na humihingi ng despensa. Baka kasi magtampo ito.
"I will allow you to eat, pero kaunti lang,"
Nagulat siya ng magsalita sa kabilang linya si Landon, nakalimutan niyang palaging tumatawag ang lalaki kapag nasa trabaho na wala pang kalahating oras ang biyahe patungo sa bayan kung nasaan ang grocery at pinapagawang gasolinahan, hindi lang simpleng tawag ang ginagawa nito as in telebabad. Kahit wala itong sasabihin basta ang kagustuhan pa rin nito ang masusunod para daw mamonitor ang lagay niya at kung ano ang kanyang ginagawa, daig pa nito ang nagtatrabaho sa malayo kung magmonitor sa kanya. Gusto pa naman sana niyang pumasyal kay Mona pero alam niyang hindi siya papayagan ng lalaki.
Idagdag pa rito ang access ni Landon sa mga ipinakabit na CCTV ng buong bahay na nakakonekta sa cellphone nito. Wala ngang camera sa banyo pero sa tuwing magtutungo rito upang gumamit ay kailangan niya ng magbabantay kaya naman obligado siyang tawagin si Aling Chameng na nauna ng iimporma ng lalaki tungkol dito.
"Sinabi ko kay Chameng na huwag lagyan ng asukal 'yong bilo-bilo Kung 'di 'yong pulot pukyutan na binili ni Landon nang mag-grocery noong Sabado. Kaya halika na, kung inaalala mo na matamis pa rin, e, kaunti lang ang ipinalagay ko."
"Go on, kid, I'll call you again after you eat,"
Hindi na siya sumagot sa sinabi ni Landon agad niyang pinatay ang tawag, mabilis na inalis ang earphone sa isang tainga at inilagay sa bulsa ng suot na daster kasama ng cellphone na binigay ni Landon.
BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
Teen FictionHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...