"Wake up, kid, marami pa akong kailangan gawin." Padaskol na tinapik ni Landon ang kanyang kanang kamay.
Pupungas-pungas na luminga sa paligid si Lesley nakita niya ang isa-isang paglabas ng mga pasahero ng eroplanong sinasakyan. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay agad napansin ang malalaking letra ng pangalan ng airport, unang beses na nakatuntong siya dito sa Maynila. Ito ang kauna-unahang sumakay siya sa eroplano, kanina lamang ay nasa Cebu sila sa tantiya niya ay isang oras lang sila sa himpapawid. Akala niya ay magsusuka siya lalo na at mahiluhin siya sa biyahe pero hindi nangyari iyon sa halip ay nakatulog pa sa buong biyahe. Mabuti na itong alam na niyang hindi naman pala nakakatakot sumakay sa eroplano higit sa lahat hindi siya nahilo, kapag sumakay ulit sila mamaya patungong Finland ay hindi na siya ninerbiyusin tulad kanina. Kinabahan siya dahil baka isuka niya lahat ng kinain kaninang umaga, siguradong magagalit ang katabi sa upuan na si Landon.
"Mister Harkin, here's the wheelchair na ni-request ninyo." Lumapit ang isang flight attendant tulak ang isang wheelchair na 'di niya napansing nakalapit na pala sa kanila.
Hindi man lang nagpasalamat na kinuha ni Landon ang naturang wheelchair kaya naman si Lesley na ang nagkusang magpasalamat nang papaalis na ang stewardess.
"Huwag mo na akong buhatin, Landon, kaya kong umupo mag-isa sa wheelchair," naiilang siyang naupo bago pa siya buhatin ng lalaki, nakakahiya ang pagiging OA nito.
Nagmimistula na siyang imbalido sa sitwasyon niya. Buntis lang siya hindi ibig sabihin ay bawal na yata lahat, kunsabagay si Landon lang naman ang nagpapatupad ng mga bawal ayon sa doktor maayos na ang kanyang baby heto nga pinayagan na siyang bumiyahe, may mga nireseta lang ulit sa kanyang mga vitamins para sa baby.
"Dimitri, where are you? I told you to get ready the car I need to go home as soon as possible," naiinip na sita ni Landon sa assistant sa sarili nitong cellphone.
Gusto niyang matawa kay Landon habang itinutulak ang kinauupuang wheelchair. Kung hindi nagagalit, nambubulyaw, heto naman at nagmamadali na para bang isang iglap lang ay nasa Finland na sila. Hindi pa siya nakakarating doon pero siguradong gugugol ng ilang oras bago sila makarating. Kunsabagay hindi na siya magugulat pa sa mga madidiskubre pa niyang negatibong ugali ng binata.
"Hindi maikakailang kamag-anak si Landon ni Trixie, kaya naman pala bukod sa inang maldita na pagmamanahan ay may tiyuhin ding masama ang ugali," wika niya sa sarili.
KANINA pa si Lesley hindi mapakali sa kinauupuang magarang kotse, nilingon niya si Landon na abala sa pagtipa sa keyboard ng laptop at paminsang-minsang pagsagot sa tawag mula sa cellphone. Pasimple niyang tinakpan ang bibig upang pigilan ang nagbabadyang pagsuka, nanlalamig na din ang pawis na lumalabas sa kanyang noo senyales na malapit na talaga siyang sumuka. Ngunit pilit pinipigil sa takot na magkalat sa loob ng sasakyan.
"Kuya Dimitri," mahinang tawag niya sa alalay ni Landon na nakaupo sa katabi ng driver. "'San po tayo papunta? Akala ko po ang next flight natin ay papuntang Finland? Bakit tayo sumakay ng kotse pagkagaling sa airport?"
Lumingon kay Lesley ang butler na sa tantiya niya ay humigit kumulang na kuwarenta ang edad, maliit na lalaki lang ito ngunit malaki ang pangangatawan, noong una inakala niyang si Max Alvarado ang nasa kanyang harapan na small version nito. Pero sa hitsura lamang ito mukhang nakakatakot, ngumingiti ito paminsan-minsan hindi katulad ng amo na para bang may batas sa bansang pinanggalingan na ipinagbabawal ang ngumiti.
"Dimitri, find another route. I have an emergency video conference with the board of directors thirty minutes from now,"
Mabuti na lang nagmamadali si Landon kahit papaano kaya pa niyang magtiis na huwag sumuka.
BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
Teen FictionHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...