Guys please watch my video on my YouTube channel: assumer21 and subscribe na din po kayo. Salamat.
______
Hindi pa nahihimasmasan si Sisay sa pagkabigla sa babaeng bigla na lamang pumasok sa kusina niya at inuutusan pa siyang magtimpla ng kape dahil napagkamalan siyang katulong.
"Excuse me, ma'am, sino po kayo?" Magalang pa rin niyang tinanong ang magandang babae na abala sa laptop nito. Ayaw niyang ma-offend ito kapag sinabihan niyang baka naliligaw ito ng bahay na pinasukan. Pero imposibleng mangyari na may makapasok sa bahay nila dahil dalawa ang nagpapalitang security guard sa gate, at lahat din ng sulok ay marooong nakakabit na CCTV. Depende na lang kung kasama ito ni Landon kagabi nang umuwi ang asawa. Hindi man lang sinabi sa kanya.
"It's none of your business, maid ka lang dito. So, where's my coffee?" Kung anong bilis ng sagot ng babae ay siya ring bilis nang pagtipa nito sa keyboard ng laptop.
Pakiramdam ni Sisay ay umakyat lahat ng dugo niya sa ulo, siguro kung haharap siya sa salamin ay pulang-pula na ang mukha niya dahil sa sobrang pagtitimpi. Mabait siya at hanggang maaari ay nagagawa niyang magpasensya. Hindi nakakahiya na maging katulong pero ang mapagkamalan siyang isa sa mga kasambahay, at ang nakakapagpainis sa kanya ay hindi maganda ang trato nito sa katulong. Baka kung sa iba kinaldkad na ang kaharap sa palabas ng gate, pero hindi siya ganoong klase ng tao kahit hindi siya nakatapos ng pag-aaral 'di gaya ng babae na mukhang class at edukada sa kanyang paningin.
Ibubuka na sana ni Sisay ang bibig upang iimporma pa rin ng maayos sa magandang babae na hindi siya katulong.
"Good morning, kid. You should wake me up." Magulo ang buhok at halatang bagong gising ang asawa karga ang anak nila. "Nagising ako dahil sa iyak ni Frances." Nakalapit agad sa kanya ang asawa na mabilis siyang hinalikan sa may bandang noo. Bulag ba ang asawa niya upang hindi mapansin ang babaeng stranghera na dapat ay magpaliwanag ito kung Sino at bakit ito narito. "Leave it to me, i will cook." Pinindot ng asawa ang intercom na nakakonekta sa bahay na tinutuluyan ng mga kasambahay. "Gerlie, pumunta ka dito sa kitchen, dalhin mo sa garden si baby." Kinuha ng lalaki ang sandok na hawak niya. " Do you wanna try cranberry juice? Or milk chocolate again." Malambing na tanong pa nito.
" Ano, uhm..." Wala sa tinatanong ng asawa ang isip niya. Paano ba niya kokomprontahin ang asawa tungkol sa babaeng halatang nagulat din sa nasasaksihan nang sulyapan niya kanina.
"Go-good morning, prince- I mean, Sir Ha-rkin." Tumikhim muna ang babae na aakalain mong may nakabarang kung anong bagay. "Tumawag si Engineer Deliva regarding sa itinatayong Hotel sa El Nido at gusto niyang pumunta kayo sa site personally para makita ang changes nito base na rin sa ipinag-utos mo."
" We'll talk about it later. By the way, kid, i forgot to tell you last night. I hired Miss Valina as my temporary executive assistant. Until now Dimitri is not able to do his work because he is still recovering from the corona virus. Miss Valina, meet my wife Lesley."
Maging si Dimitri ay hindi nakaligtas sa Corona virus na kasalukuyang nasa Spain at nagpapagaling.
Pero bakit babae? Bakit hindi lalaki? Gusto niyang itanong pero sa halip ay napipilitang nginitian niya ang bagong empleyado ng asawa.
"Nice to meet you, Ma'am Lesley," magalang at walang kagatol-gatol na wika ni Miss Valina. Aakalain mong parang kanina lang ay kung utus-utusan siya. "You can call me Reema." Matamis na nginitian pa siya ng babae.
Kahit ipinakilala na sa kanya ang bagong executive assistant ng asawa ay tila lalo pa siyang naiinis. Naiinis siya kay Landon dahil hindi siya tinanong kung pumapayag ba siyang magkaroon ito ng babaeng assistant. At naiinis din siya kay Reema na mukhang hindi mapagkakatiwalaan, kung makatingin sa katawan ni Landon na ugaling mag-topless kapag natutulog sa gabi. Nakasuot lang ito ng jersey pants nasanay na siyang makita ang lalaki na walang pantaas, ang hindi siya sanay ay may ibang nakakakita ng katawan nito lalo na kapag magaganda gaya ni Reema. Baka mamaya ang asawa na niya ang tinatrabaho nito, mukha kasing mang-aagaw ng asawa, gaya ng napapanood niya sa Raffy Tulfo in Action. Pilit niyang inaalis aa isipan ang mga iyon dahil baka masyado lang siyang nag-o-over react.
BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
Teen FictionHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...