16

2.4K 100 37
                                    


"Napakawala mong kuwentang daddy, hindi ka man lang nagpaalam sa baby natin." Naudlot ang planong pagtawag ni Landon kay Lesley, nakita niyang nakaharap ito sa bintana. "Hindi mo ba alam na kahit nasa tummy ko pa lang si baby, aware na siya sa nangyayari sa outside world!" Hindi siya nito napansin dahil nakatalikod ito sa kanya. "Mamimiss ka ni baby e, hindi ka man lang nagpaalam. Gustong-gusto pa naman ni baby ang mabango mong amoy tuwing kalapit ka niya matulog." May sumilay na ngiti sa kanyang mga labi dahil sa narinig pero agad din pinalis iyon nang tuluyan na niyang lapitan ang dalaga.



"So, pinagnanasaan mo pala ako habang natutulog ako." Inilapit pa ni Landon ang sariling mukha kay Lesley nang gulat na humarap ito sa kanya.



"Hi-hindi, hindi kita pinagnanasaan, bakit ko naman gagawin 'yon? Si baby lang ang may gusto sa amoy mo, hindi ako, magkaiba ang inaamoy lang sa pinagnanasaan," agad na pagpapaliwanag ni Lesley na sa kauna-unahang pagkakataon ay muling nagsalita matapos ang insidente noong pinagkakalmot siya sa mukha mahigit dalawang linggo na ang nakararaan. "Umalis ka na 'di ba? Nakita ko ang kotse mong umalis." Muli itong sumulyap sa bintana.



Hindi sumagot si Landon sa halip nahiga ito sa kama.



"Anong ginagawa mo d'yan?"



"Nakahiga,"



"Bakit? Papunta ka sa Finland ngayon, bakit ka pa nakahiga d'yan?" tanong ni Lesley na hindi natitinag sa kinaroroonan malapit sa bintana.



"I realized na kawawa si baby kapag iniwan ko s'ya, wala na siyang aamoyin na daddy kapag umalis ako," nasisiyahang sagot ni Landon habang tinitingnan ang kanina pa kulay kamatis na pisngi ni Lesley marahil dahil sa pagkapahiya. Hindi niya akalaing inaamoy pala siya nito habang natutulog na hindi niya namamalayan. "Come here, kid, beside me, sabihin mo kay baby katatapos lang ng daddy niya na maligo." Tinapik pa niya ang espasyo sa kalapit.



Hindi tumugon si Lesley sa halip nakayuko itong nagmartsa palabas ng kuwarto. Agad siyang bumangon upang habulin ang babae.



Napagdesisyunan niyang huwag nang pumunta sa Finland sa halip si Dimitri ang inutusan niya. Nakatanggap din siya ng report na naapula na ang apoy at wala namang napahamak sa naganap na sunog. Ipapaayos niya ito sa pangangasiwa ni Dimitri.



Habang hinahanap si Lesley ay tumunog ang kanyang cellphone, unregistered number ang rumihistro doon.



"Hello who's this?"



"Nagawa ko na po ang utos ninyo," ani sa kabilang linya na agad din nahulaan kung sino ang tumawag.



"Good. Itetext ko sa 'yo ang address kung saan mo siya dadalhin." Palinga-linga si Landon matapos patayin ang tawag, natanaw niya si Lesley na nakaupo malapit sa may pool.



Bago tuluyang makalapit kay Lesley ay nauna sa kanya si Trixie na nakasuot ng pampaligo. May sinabi ang pamangkin kay Lesley pero hindi niya narinig dahil medyo malayo pa siya.



"Uncle, you're here," halatang nagulat si Trixie nang makalapit siya. "Akala ko ngayon ang flight mo pabalik sa Finland?"



"I changed my mind," maikling sagot ni Landon na nakatingin kay Lesley. "What are you doing here? Malapit na gumabi, pumasok ka na sa loob," utos niya kay Lesley na parang wala sa sarili.



"Uncle Landon, I changed my mind too. I decided na dito na lang sa Manila magpatuloy mag-aral, I heard dito rin si Demark mag-aaral," excited na pagbabalita ni Trixie.



Nagbago bigla ang mood ni Landon sa pagkarinig sa pangalan ng lalaking gustong umangkin sa kanyang mag-ina. Hinuli niya ang mga mata ni Lesley na tila gustong tanungin si Trixie tungkol Kay Demark.



"Bahala ka kung saan mo gusto mag-aral, sweety, just make sure na pagbubutuhin mo,"



Nakangiting umangkla sa isang braso niya si Trixie. "Uncle, I need a money para sa pag-e-enroll ko, busy sa casino si mommy e ang when I called her last night, she is in Macau last week pa," nakalabing turan ng pamangkin, ganito ito kapag may hinihingi sa kanya-naglalambing.



Habang tumatagal lalo pa yatang lumalala sa pagiging sugarol si Melinda, maging ang anak ay hindi na naaasikaso.



May kinuha siyang card sa wallet at binigay kay Trixie.



"Thank you, uncle, you're the best talaga." Tumingkayad si Trixie upang halikan siya sa pisngi. "Bye, uncle, bye, Lesley, dadaanan ko pa si Demark para sabay kaming mag-enroll. Bukas na ako maliligo sa pool."



"Mauuna na ako sa loob,"



"Sabay na tayong pumasok sa loob." Hinawakan niya sa siko si Lesley, hindi naman tumutol ang babae.



"KID," tawag ni Landon nang pareho na silang nakahiga sa kama, pero nanatiling nakabukas ang lampshade sa tabi niya.



Hindi tumugon si Lesley at nagkunwaring natutulog na pero ang totoo hinihintay niyang makatulog si Landon dating gawi-aamoyin muna niya ang lalaki bago siya matulog. Ang amoy kasi ng lalaki ang pampatulog niya, mukha na siyang nababaliw pero iyon ang totoo madali siyang dalawin ng antok kapag nalalanghap ang mabangong amoy ng binata.



"Hey, I know you're still awake!"



Hindi pa din siya tumugon kahit nagtaas na ng boses si Landon. Mariin niyang ipinikit ang mga mata kahit hindi naman makikita ng lalaki dahil nakatalikod siya dito depende na lang kung babangon ang lalaki para tingnan siya.



Nakahinga siya ng maluwag nang tumahimik na si Landon, siguro ay naniwala na tulog na siya pero laking gulat niya ng bigla siyang hinawakan sa balikat ng lalaki, kinabig siya paharap dito. Naninigas ang buong katawan niya nang hinila siya palapit dito upang magkadikit ang mga katawan nila. Inilagay ng lalaki ang isang bisig upang maging unan niya.



Hindi alam ni Lesley kung itutuloy ang pagpapanggap na tulog o pwede namang nagising siya kunwari, pero sa huli nanatili siyang nakapikit na animo ay frozen na fetus habang nakabaluktot ng higa, nakabalot ng kumot ang katawan hanggang sa may leeg niya na mahigpit ang pagkakahawak dito.



"Mapupuyat ka sa paghihintay na makatulog ako. From now on unlimited mo na akong maaamoy, kid." May halong pang-uuyam na wika ni Landon.



Lalo yatang nanigas ang buong kalamnan niya dahil sa narinig, panandalian ding tumigil ang kanyang paghinga. Ngayon niya nakumpirma na narinig ng lalaki ang mga pinagsasabi kanina. Nakakahiya!



"You should relax, kid, I will not bite you. Breathe," pati pagtigil ng hininga niya ay alam ni Landon. "Siguro naman makakatulog na kayo ng anak ko." Idinantay pa ng lalaki ang isang kamay sa tapat ng tiyan niyang nababalutan ng kumot. "Kiddo, goodnight."



Napakasarap pala sa pakiramdam kapag ang mismong ama ng iyong anak ang mag-aalaga sa 'yo. Noon kuntento at masaya na siya sa piling ni Demark kahit bugnutin at may pagkadiktador si Landon hindi maipagkakailang mahalaga para sa lalaki ang magiging anak nila.



"Sisay! Sisay! Baby Arquin narito na ako, susunduin ko na kayo."



Nagulantang sina Landon at Lesley sa isang pamilyar na tinig na sumisigaw sa labas ng bahay.



"Stay here, kid, ako na ang lalabas kung sino man ang sumisigaw sa labas. Kailangan mong matulog ng maaga." Pigil ni Landon nang akma siyang babangon mula sa kama.



"Pero si Demark ang nasa labas, kailangan ko siyang makausap,"



"That's my point, Lesley. You should stay here, hindi ko mapapayagang kuhanin ka niya sa 'kin i- i mean ang anak ko," maawtoridad na sabi ni Landon bago tuluyang lumabas ng kuwarto.


-----

***UNEDITED***


The Young BRIDE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon