30

2.3K 89 26
                                    

Guys please subscribe my YouTube channel assumer21 Channel and watch and like the trailer Video of The Young Bride 🤩
https://youtu.be/vNBxDHleMgQ

Happy reading 😊
My longest update 😅
______

"You're wrong, hindi kita sinusundo." Lumuhod si Landon sa harapan ni Lesley at sinalubong ang nagtataka nitong mga mata.

"Bakit?" Muling tumulo ang butil ng luha sa pisngi ni Lesley. "Dahil ba napagod ka na sa pag-aasikaso sa 'kin? Hindi ka naaawa sa magiging baby natin, lalaki siyang hindi kumpleto ang pamilya gaya ko,"

Umiling siya habang marahang ipinapasok ang mga kamay sa loob ng veil na tumatakip sa mukha ni Lesley upang pahirin ang basang mukha ng babae, namumugto na rin ang mga mata nito dulot ng matagal na pag-iyak. Hindi lingid sa kanya ang mga sandaling umiiyak si Lesley, nagiging marupok na yata siya at parang dinudurog ang puso niya sa tuwing palihim na umiiyak ito tuwing gabi simula nang iniwan niya ang mapapangasawa sa bahay ni Helen. Ang tanging nagagawa na lamang niya ay bantayan at hintayin ito hanggang makatulog.

"I'm here, kid, no need to cry again like an idiot and calling my name like a crazy. This is your wedding." Patuloy niyang pinupunasan ang mga luha ni Lesley na bahagyang napasimangot dahil sa sinabi niya. "Come on, stand up, let's start the wedding." Inalalayan niya itong makatayo.

"Landon, anong ginagawa mo dito? Alam mo namang kasal ng pamangkin ko, malaking gulo itong ginawa mo at masisira din ako kay Senior Fernández de García!" Malalaki ang hakbang ni Helen palapit kay Landon, mahina lamang ang boses nito marahil sa pangambang marinig ng ibang bisita at magkagulo. "May kasunduan tayo, binayaran kita," nanggagalaiting dagdag pa nito.

"Tiya Helen, ayaw kong magpakasal  sa matandang iyan, umuwi na tayo, Landon." Sabad ni Lesley at niyugyog pa ang isang braso niya matapos ituro ang kanyang Uncle Demetrio na siyang nakatayo kanina sa may harapan ng altar kasama ng pinsang si Elizar na sumundo sa kanyang bride.

"Dios mio, moriré de inmediato por ese chico,"  (Diyos, ko mamatay ako ng maaga dahil sa batang iyan.) parang nagtayuan lahat ng balahibo sa katawan ni Uncle Demetrio dahil sa sinabi ni Lesley, nakakaintindi ito ng kaunting Tagalog dahil kay Elizar na naging pangalawang tirahan ang Pilipinas kahit wala itong dugong Pilipino.

"Tío ella dijo que eres guapo cuando envejeces," mabilis na sabad ni Elizar. "Sentémonos." (Uncle, she said you are handsome when you get old. Let's sit down.) Iginiya nito ang tiyuhin sa upuang bakante.

"Elizar asegúrate de que me estás diciendo la verdad," may banta sa tono ni Uncle Demetrio bago umupo. ( Elizar, make sure you are telling me the truth.)

"Si tio." Yes, uncle

Sabay kindat sa kanya ng pinsan na agad niyang tinanguan na naupo sa katabi ng tiyuhin.

"Bobo, matanda din ang pakakasalan mo pero hindi siya, marahil ay nahuli lamang ng dating," bumubulong pa rin si Helen.

Tumawa ng mahina si Landon bago nagsalita.

"Nakalimutan kong magpakilala lalong-lalo na sa 'yo, Helen." Tumigil siya ng ilang segundo, "Ako si Landon Francisco Fernández de García, half-spanish at half  Filipino, o mas kilalang Prince Landon Harkin na tagapagmana ng trono sa Norway. Ang pinanggalingan ng mga perang pinagpasasaan mo na dapat sana sa pag-aaral ng aking magiging asawa,"

"Hindi." Namumutlang umiiling at hindi kumbinsido na napaatras si Helen.

"Tama ka, hindi, hindi pa tayo tapos mag-usap. Hintayin mo na matapos ang kasal namin ng pamangkin mo,"

Sinenyasan niya ang dalawang security guard na paupuin si Helen, alam na ng mga ito ang gagawin  kapag nanggulo ang babae ay kaladkarin ang tiyahin ni Lesley, hinayaan lamang niya nitong masaksihan ang kanilang kasal para makita ang reaksyon oras na malaman nito ang buong katotohanan.

The Young BRIDE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon