"Sino kang basta na lang pumasok sa pamamahay ko?!" matapang na tanong ni Tiya Helen sa bagong dating nang makabawi ito mula sa pagkagulat. "Akala mo siguro masisindak mo ako sa mga pinagsasabi mong puputulin ang mga kamay ko, alalahanin mong nasa loob ka ng bahay ko- trespassing ka at pwede kitang kasuhan." Hinila pa ng mas malakas ng tiyahin ni Lesley ang nang lingunin siya at tingnan ng masama dahilan para mapasigaw sa sobrang sakit ng anit niya. "Kahit ilang batalyon pa ang tawagin mo,Sisay, wala akong pakialam at hindi ako natatakot." Ipinakikita lamang ng tiyahin sa bagong dating na kahit ano ay pwedeng gawin sa kanya.Nadagdagan pa ang labis na pagkagulat ni Lesley nang mabilis na nakalapit sa kanila ang 'di inaasahang bisita.
"I can do what I said earlier, old lady." Nanlalaki ang mga mata ni Lesley na nakatingin sa taong kausap ni Tiya Helen nang may kung anong hinugot mula sa likuran nito na tila mahaba at manipis na espada, nangingintab ang talim nito sa ilaw na nagmumula sa fluorescent light. Hindi mapupuna ang nakasuksok na espada sa likod dahil sa suot nitong makapal na hoodie jacket. "I will count one to three." Idinikit pa nito at hinimas ng dulo ng talim ang kamay ng tiyahin na mahigpit na nakahawak sa kanyang buhok. "One." Unti-unting itinaas sa ere ang hawak na espada ngunit walang kahirap-hirap na pinaikot-ikot muna ito sa kamay. "Two." Mukhang hindi nagbibiro ito base sa ekspresyon ng mata na nag-aapoy sa galit at nagngangalit ang mga ngipin habang mahigpit na hawak ang espada.
"Punyetang- ako pa ang-" bakas sa tinig ni Tiya Helen ang pilit pinaglalabanang takot mula sa kaharap.
"Th-"
"Buwisit!" Sabay tulak kay Lesley sa direksyon ng bagong dating nang makita ni Tiya Helen na bumuwelo na ang lalaki at talagang tototohanin ang bantang puputulin ang kamay ng tiyahin.
"Ah!" mariing ipinikit ni Lesley ang mga mata kasabay ng malakas na pagsigaw sa takot na tumama ang tiyan sa kung saan bunga ng hindi niya inaasahang pagtulak ni Tiya Helen. Ang baby ko! Sa halip isang matipunong braso ang pumalibot sa kanyang bewang na tila pinoprotektahan ang batang nasa sinapupunan niya dahil nakatapat ang nakabukas nitong kamay sa tiyan niya.
"I'm here, kid," bulong ng lalaki sa may tapat ng tenga ni Lesley kaya naman pakiramdam niya nagtayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan nang dumampi sa kanyang balat ang mainit na hininga nito. Parang may mga pusa at dagang naghahabulan sa kanyang dibdib dahil sa mabilis na pagtibok nito.
"Lan-don," tila paos na sambit ni Lesley sa pangalan ni Landon dahil dito ay lalong bumuhos ang mga luha mula sa matang nanatiling nakapikit, hindi sa takot sa Tiya Helen niya kung 'di sa kasiyahang nadarama- dumating na ang taong laging laman ng isipan.
Dahan-dahang iminulat ni Lesley ang mga mata na 'di inaasahang nakatitig sa kanya ng matiim si Landon, ang nakikita niya ngayon ay parang leon na handang manlapa sa kaaway. Alam niyang itataas ang isang kamay at wala sa sariling hahaplusin sana ang mukha nito ngunit hindi natuloy dahil maingat siyang tinulungan upang maitayo ng maayos, kaunti na lamang ay mapapaluhod na siya sa sahig kung hindi naagapan ng lalaki.
"Sino ka ba? At pwede ba lumayas ka dito sa pamamahay ko," ani Tiya Helen na pilit nagtatapang-tapangan nang muling sitahin si Landon. "Sisay, pasok sa kuwarto!" matalim ang tinging pinukol siya ng tiyahin ngunit mahigpit siyang hinawakan sa bewang ni Landon na nanatiling nakapalibot ang matipunong braso nito.
"I'm Landon Harkin, fiance at ama ng magiging anak ng pamangkin mo," mariin ang bawat katagang binigkas ni Landon na muling nilaro sa isang kamay nito ang espada dahilan upang mapalunok ng sariling laway ang kanyang Tiya Helen. "And I don't have a plan to leave this house, the last time I'd check hindi mo pa pag-aari ang lupang kinatatayuan ng bahay na ito." Inilibot pa nito ang mga mata sa buong paligid. "Where's your room, kid, I'm fucking tired." Binalingan siya ng lalaki na parang ito ang may-ari ng bahay.
BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
Teen FictionHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...