SISAY'S/LIESLY'S POV
"Hoy, ikuha mo ako ng juice, bilisan mo." Itinigil niya ang ginagawang pagdidilig ng mga halaman at agad na sinunod ang utos ni Trixie.
Sanay na siya sa mag-ina, kapag wala si Demark o si Mr. Rodrigo ay ginagawa siyang utusan ng mga ito.
Katulad ngayon wala si Demark, sumama ito sa mga barkada at nagbabakasyon sa Palawan. Habang ang ama naman nito ay palaging nasa ibang bansa para sa negosyo.
"Liesly, igawa mo akong kape at mamaya linisin mo ang kwarto ko.'' Nasalubong niya si senyora Melinda sa may sala.
Walang araw na hindi niya nakikitang walang make-up ang senyora, paggising pa lamang nito ay may kolorete na agad ito.
"Opo senyora, dadalhan ko po muna ng juice si mam Trixie." Kailangan bahagya pang nakayuko siya kapag nakikipag-usap dito, gayundin ang ibang katulong.
"Bilisan mo, doon mo dalhin sa pool." Nakatayo lamang siya at nakayuko sa isang tabi hanggang sa makaalis ito sa kanyang harapan.
Nang mawala sa paningin ang senyora ay nagmamadali siyang nagtungo sa kusina at ginawa ang ipinag-uutos ng mag-ina.
"Hulaan ko, para yan sa mga dukesa." Sabi niya Alma ng biglang sumulpot sa likuran niya.
"Okay lang naman, wala din akong ginagawa, naisipan ko din magdilig ng mga halaman." Nakangiti niyang sagot.
Nang mailagay sa tray ang juice at kape ay agad niyang dinala ito sa pool kung saan maroon ang mag-ina. Isinerve niya ito sa isang mesa kung nasaan kaupo ang mga ito.
"Uncle Landon, I don't take a no, for an answer. It's my seventeenth birthday tommorow, pleaseeee....." Nakita niyang may kausap sa laptop si Trixie.
"I'll try my best sweety, you know I'm a very busy person." Naulinigan niyang sagot ng kausap.
Nahinuha niyang nakikipagvideo call ito sa tinawag na uncle Landon. Kakaiba ang dating ng boses nito sa pandinig niya, parang ang sarap pakinggan at biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso. Nakakatawa na magkaganito siya gayong tinig lang ang narinig, pinilit niyang ignorahin ang abnormal na tibok ng puso at binilisan ang ginagawa.
"Landon, dear, don't forget to buy me, the limited edition of my favorite brand of bag." Malakas na sabi ni senyora Melinda.
"Uncle, I like a vintage jewelry, made from France, I'm sure mom, I'll be standout of my party tomorrow night." Nagniningning ang mga mata ni Trixie at parang iniimagine ang party.
Umalis siya at hindi na nag-abalang makinig pa sa usapan ng mag-ina, ipinagpatuloy na lamang niya ang naudlot na pagdidilig.
___
"Panigurado bukas, napakarami ko ulit makikitang gwapo, ayieee.." Kinikilig na sabi ni Alice habang naghahanda sila sa pagtulog.
Maaga silang nakapagpahinga ngayon, dahil umalis ang mag-ina kanina pang umaga at ayon sa kaibigan ay gagabihin ang mga ito ng uwi.
"Bakit? Anong meron?" Tanong niya habang kumakain silang dalawa ng junkfood dito sa kanyang kwarto. Dito ang tambayan nila kapag pareho silang tapos na ng trabaho.
"Hindi ko nga pala sayo nasabi, seventeenth birthday bukas ni mam Trixie. At marami siyang bisita na mga gwapo! Ayeeiii, kinikilig ako, sana dumating si Blaze." Nagpapadyak ang mga paa nito sa kama, dahil sa kilig.
"Oo, narinig ko kanina sa usapan nila." Naalala niyang kasabay pala niyang magbirthday si Trixie. Pero wala naman siyang ginagawa kapag birthday , katwiran niya ay isang araw lang ito at lumilipas din agad.
BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
JugendliteraturHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...