Please subscribe po sa aking YouTube channel:::ASSUMER21 CHANNELInstagram::: assumer_21
Abangan po ang mga bago kong video na i-aapload kapag wala ako sa Wattpad world.
__
Kanina pa pabalik-balik si Sisay sa may balcony upang tingnan kung paparating na si Landon. Ang sabi ng asawa ay uuwi rin ito kaninang hapon pero mag-aalas nuebe na ng gabi wala pa ito. Hindi rin tumatawag o nagtetext, nang subukan niyang tawagan hindi sumasagot. Iniisip na lamang niyang baka sobrang abala si Landon sa Maynila dahil sa bagong negosyo na itinayo dito sa Pilipinas. Akala niya ay ipinagbili na lahat ng asawa ang mga negosyo nito sa Europe pero sa halip ay nagdagdag pa ito base sa naririnig niya kapag may kausap ito sa telepono.
Bumalik siya sa loob ng kuwarto ng marinig na umingit ang anak na limang buwang gulang. Tinapik niya ng marahan ang binti ng anak at bumalik ulit sa pagtulog, pero ng iiwan na niya ay bigla na lamang itong nagising saka umiyak. Kinuha niya mula sa crib si Baby Francesca na sa halip tumigil ay lalong lumalakas ang pag-iyak. Sinubukan niyang isayaw habang kinakantahan matapos dumede sandali.
Nangangawit na ang mga braso ni Sisay ngunit patuloy pa rin sa pag-iyak ang kanyang anak. Naiiyak na napatingin siya sa sliding door patungo sa balcony, ipinagdarasal niyang sana ay dumating na si Landon dahil hindi niya kakayanin kapag ganitong nagliligalig ang kanilang anak. Tanging ang asawa lang niya ang nakakapagpatigil sa tuwing sinusumpong ng iyak ang anak. Ang problema ay kapag ganitong wala ang asawa. Ano na ang gagawin niya?
"Sisay, bakit umiiyak ang apo ko?" Narinig niya ang kanyang Tatay Romy na dali-daling pumasok sa kuwarto upang lapitan silang mag-ina. Hindi umuwi ang ama sa kubo nitong tinitirhan sa may kabilang barangay. Araw-araw ay bumibisita ito sakay ng bisikleta bilang ehersisyo daw at para mabisita ang apo. Ayaw namang lumipat na lamang sa kanilang bahay ngunit ayaw ng ama kaya hinayaan na nilang mag-asawa.
"Tatay, hindi pa rin po tumitigil sa pag-iyak si baby, kanina pa po ako nagsasayaw dito at kinakantahan ko na din gaya ng ginagawa ni Landon pero hindi pa tumitigil. Dalhin na po kaya natin sa ospital baka may masakit sa kanya." Nangingilid na ang kanyang mga luha sa mata. Ito kasi ang unang beses na lumuwas ng Maynila si Landon simula ng lumipat sila dito sa Palawan apat na buwan na ang nakakaraan. Hindi na niya alam ang gagawin mabuti na lang ay narito ang ama.
Tiningnan siya ng masama ng ama dahil sa kanyang sinabi. "Tumigil kang bata ka, walang sakit ang apo hindi naman nakalubog ang bunbunan." Idinampi nito palad sa ulo ng baby niya. " Kulang lang iyan sa paghehele mo."
"Po? E, nangangawit na ang mga binti ko dahil sa pagsasayaw at paglalakad dito sa buong kuwarto. Maging mga braso sumasakit na din kasi ang bigat ni baby." Muli niyang isinayaw ang anak na patuloy sa pag-iyak tumitigil lang ito sandali tapos umiiyak ulit. " 'Tay baka hindi po totoo 'yong bunbunang lubog baka madehydrate na si baby kakaiyak."
" Anak ng! Ayusin mo nga Sisay iyang pinagsasabi mo. Madehydrate ang apo kung pagtatae pero hindi dahil sa pagkawala ng luha. Bakasakali pang mamaos ang anak mo kapag hindi mo siya napatahan. Sa halip na ballpen ang hawak mo ngayon hayan hindi mo alam kung paano patitigilin ang anak mo." Sumabay pa ang pagsesermon ni tatay sa palakat ni baby. "Ako na muna ang magkakarga sa apo ko, baka pagdating ng ama nito ay Wala ng boses."
Nang makuha ng ama si baby ay sinubukan itong libangin sa pamamagitan ng pakikipag-usap. "Ano apo ko hindi ka mapatigil ng ina mong balak pa yatang sabayan ang pag-iyak mo." Himalang tumigil ang anak at nakatingin sa kanyang lolo.
"Napatigil mo 'tay." Nakahinga siya ng maluwag na sambit niya. " Baby Frances behave ka lang wala pa ang daddy mo." Ginaya na din niya ang ama. " Baka po umiyak ulit." Bumalik ang pag-aalala niya.
BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
Teen FictionHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...