28

1.6K 79 15
                                    

Available po ang trailer ng THE YOUNG BRIDE sa aking YouTube channel- assumer 21 Channel and please subscribe na din po para sa mga susunod kong video na related sa story ko. Huwag po kayong nag-expect ng sobrang ganda first time ko po gumawa ng video😅

------

"Wow, grabe, paano ka nagkaroon ng ganitong brand ng mga make-up, mayayaman lang ang nakaka-afford ng mga ganito at kahit isa wala ka pang ginagamit." Hindi makapaniwala si Miles habang iniisa-isang tinitingnan ang mga make up kit na maayos na inilagay ni Landon sa harap ng vanity mirror at ang iba pa ay nakalagay sa loob ng dresser na nagawa ring buksan.

"Binili ni Landon," maikling tugon ni Lesley na sinusundan lamang ng tingin ang bawat galaw ng pinsang si Miles.

"Oh my gosh! Magpapabili din ako kay mommy ng latest edition na Victoria's secret gaya nito." Hindi pa nakuntento si Miles na tingnan lamang ang mga bagong underwear, inalis pa nito sa lalagyan.

Wala siyang ideya na may latest edition din ang mga underwear, hindi pa niya maisuot ang mga iyon dahil ang mga maternity underwear ang ginagamit niya. Matapos nilang namili sa isang mall sa bayan makalipas lang ang ilang araw may dumating na delivery, akala niya ay gamit lamang ng kanilang baby ngunit hindi pala. Ito rin ang nag-ayos ng mga iyon at itinawag pa sa kanyang bagong doctor kung anu-ano ang kailangang bilhin para sa kanilang magiging anak. Lihim siyang natutuwa sa mga ginagawang effort ni Landon, totoo ang sinabi ni Mona na masarap magbuntis kapag ganito mag-alaga ang ama ng baby. Pero syempre hindi niya gagawin iyon, sapat na ang isang pagkakamali.

"Sisay, hihiramin ko itong heels na pula at Gucci handbag para sa pupuntahan kong birthday this weekend. I'm sure wala pang ganitong design ng bag si Claire, mamatay siya sa inggit kapag nakita niya ako sa party." Isinukat ni Miles ang sapatos at bag na nagpalakad-lakad sa harapan ni Lesley. "Mabuti na lang magkapareho tayo ng sukat ng paa."

"Hindi sa akin ang mga iyan," tukoy niya sa mga kahon na binuksan ni Miles, kadarating lang ng mga ito noong isang araw na hindi pa nagagawang buksan ni Landon.

"Bobo, natural sa iyo ang lahat ng mga ito. Alangan si Landon ang gumamit ng mga bag at sapatos na saksakan ng mamahal. Hindi sa iyo bagay kasi hindi mo alam ang salitang class at wala ka ring paggagamitan ng mga ito. Sasabihin ko kay mommy na hingin ang mga ito kay Landon. Pabibilhan na lang kita ng mga bag at sapatos sa bayan na babagay sa iyo." Hinubad ni Miles ang sapatos at walang paalam na lumabas ng kuwarto bitbit ang bag at sapatos na sa kanyang palagay ay hindi na isasauli ng pinsan.

Nagmamadaling inayos ni Lesley ang kahon, lagot siya kay Landon kapag napansin nitong nabuksan ang tatlong kahon na inisa-isang buksan ng pinsan.

Minabuti niyang lumabas ng kuwarto upang tingnan si Landon sa kusina kung nakapagluto na ng almusal kanina pa kumakalam ang kanyang sikmura. Malapit na siya sa kusina nang maalala na galit nga pala siya sa lalaki dahil nilait-lait na naman siya nito. Pabalik na sana siya nang maulinigan ang tinig ni Tiya Helen dala ng kuryusidad lumapit pa siya malapit sa pintuan ng kusina. Nakita niyang nakatayo si Landon sa harap ng mesa at nakaupo naman si Tiya Helen, mukhang importante ang pinag-uusapan ng mga ito.

Naisip niyang baka tungkol sa negosyo ng tiyahin pero nang marinig ang kanyang pangalan ay ikinubli pang mabuti ang katawan sa may gilid ng pintuan. Walang makakapansin sa kanya maliban na lamang kung may dumating galing sa sala ng bahay.

"Hindi mo na kailangang mag-isip pa ng matagal, Landon. Magkakapera ka at makakasama mo pa rin ang iyong anak, iwanan mo lang si Sisay upang maipakasal ko agad siya sa taong nararapat sa kanya at tiyak na hindi na siya maghihirap pa,"

Nanlaki ang mga mata ni Lesley sa mga tinuran ni Tiya Helen, ngunit nakakasiguro siyang hindi ito mapapayagan ni Landon. Pero paano ba siya nakatitiyak? Tumingin siya kay Landon na seryoso lamang na nakikinig sa kausap. Hindi na siya nakatiis nang walang sagot mula kay Landon, lumabas siya sa pinagkukublihan at masama ang loob na hinarap ang tiyahin.

The Young BRIDE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon