Muling sumilip sa labas ng bintana ng kuwarto si Lesley upang tingnan kung paparating na si Landon. Magmula nang umalis ito kanina ay hindi pa bumabalik, sinulyapan niya ang orasang katabi ng lampshade dahil sa paghihintay sa lalaki ay hindi niya namalayang alas tres na ng madaling araw. Kasalanan niya kung bakit nagalit at umalis ito, nag-aalala siya na baka may nangyari ng masama sa lalaki magpapatulong sana siya kay Trixie na hanapin si Landon pero maging ang babae ay hindi pa bumabalik mula sa paghahatid kay Demark.
Nanglulumong naglakad siya palabas ng kuwarto upang sa sala ipagpatuloy ang paghihintay kay Landon. Hindi pa siya natatagalang nakaupo sa couch nang may marinig na paparating na sasakyan, kinakabahang tinungo niya ang pintuan upang pagbuksan ang bagong dating. Nanlumo siya ng mapagsino ang dumating.
"Get out of my way, bitch." Binangga ni Trixie ang balikat niya nang dumaan ito sa kanyang kinatatayuan malapit sa pintuan mabuti na lang nakahawak siya sa door knob kung hindi ay baka natumba siya sa lakas ng pagbangga ng babae.
Tulad ng dati hindi niya pinatulan si Trixie ayaw niyang mas lumaki pa ang gulo sa pagitan nilang dalawa. At isa pa hindi siya mananalo sa kamalditahan nito. Walang imik na isinara niya ang pinto saka muling bumalik sa couch, nakita niya ang papalayong babae patungo sa direksyon ng kuwarto nito. Ngunit laking gulat niya ng bumalik ito sa sala at nakalagay ang isang kamay sa bewang nito na nakatayo sa harapan niya.
"You, you ruined all our life!" Nakaduro ang isang kamay ni Trixie sa kanyang. " Noong una si Demark and now si Uncle Landon alam mo ba kung sino ang pinakaapektado sa lahat? Ako... Dahil parehong mahalaga sa 'kin ang mga taong sinisira mo ang buhay." Sumisigaw na itinuro ni Trixie ang sarili. "Mawala ka na, kayo ng anak mo, buwisit kayo sa buhay namin. Matatahimik lang si Demark at Uncle Landon kapag wala ka na pati na din ako dahil wala na ang mang-aagaw na tulad mo."
Totoo ang lahat ng mga sinabi ni Trixie siya ang puno't dulo ng lahat, kung hindi siya pumayag na maging assistant ni Demark hindi siya marerape ni Landon at pare-parehong tahimik ang mga buhay nila. Mali sila lang pala ang may tahimik at masayang buhay dahil malamang hanggang ngayon ay impiyerno pa din ang buhay niya sa poder ng kanyang Tiya Helen.
"Tama ka nga siguro, Trixie, pero hindi ko ginusto na mangyari ang lahat ng ito dahil kahit ako ay nahihirapan,"
"I know I'm totally right, Lesley. Ikaw na mismo ang nagsabi na nahihirapan ka rin puwes magpakalayo-layo ka na at huwag ka ng magpapakita sa amin." Hinila siya ni Trixie upang makatayo mula sa pagkakaupo sa couch. "Leave us alone!" Ipinagtulakan siya palabas ng bahay. "Kulang na lang patayin ni Uncle Landon si Demark ng dahil sa 'yo at si uncle naman napapabayaan na niya ang kanyang mga negosyo at dahil din sa 'yo. Good thing is natauhan na si uncle I'm sure he's on the way going back to Finland now."
Umiiling na umiiyak si Lesley subalit walang lumalabas na salita mula sa kanyang bibig. Hindi niya naisip na iyon na pala ang huli nilang pagkikita ni Landon, inakala niyang nagpapalipas lamang ito ng galit at babalik rin pero ayaw tanggapin ng utak niya na posibleng bumalik na ang lalaki sa Finland.
"I know wala kang pera." Kumuha ng pera si Trixie mula sa nakasukbit nitong mamahaling bag saka sapilitang inilagay sa kanyang kamay. " I don't care where you're going and I'm sure uncle also don't care especially to your baby dahil sooner or later malalaman niya na hindi siya ang ama niyan." Pagkasabi niyon ay malakas na isinara nito ang main door.
Wala sa sariling patuloy sa pagluha si Lesley habang unti-unting nililisan ang lugar kung saan marami siyang alaala kasama si Landon na kahit mahirap pakisamahan ang ugali pero ngayon pa lang na ilang oras pa lang na wala sa kanyang tabi ay parang may kulang sa buhay niya. Malayong-malayo ang ugali nito kay Demark pero nahulog na yata ang loob niya sa kabila ng pagiging diktador at OA na pag-aalaga sa kanya. Masakit isiping iniwan na siya ng lalaki at ang baby niya pero kailangan niyang maging matatag para sa kanyang anak.
BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
Fiksi RemajaHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...