Please pashare na din po if nagandahan kayo sa story ko with caption na #theyoungbride.Thank you in advance and happy reading😘
---------Napaungol sa sobrang sakit ng binti si Lesley dahilan upang magising siya na namimilipit sa kinahihigaan. Pikit ang mga matang dumadaing siya ngunit 'di magawang hawakan ang binting inaatake ng pulikat, ilang beses na itong nangyayari sa kanya ang nagagawa lang niya ay umiyak at hintaying lumipas ang pamumulikat na nararanasan.
"Kid, what is happening to you? Masakit ba ang tiyan mo? I will bring you to the hospital-"
"Hindi- 'wag, ang binti ko inaatake ng pulikat..." Pigil ni Lesley kay Landon na naalimpungatan sa tabi niya, muntik na niyang malimutan na kasama nga pala ang lalaki.
Naramdaman niyang mabilis n bumangon si Landon, inalis nito ang kumot sa katawan niya at hinimas ang mga binti niya.
"'Yong kaliwa lang... Ang masakit," pikit pa rin ang matang wika niya nang parehong himasin ni Landon ang mga binti niya.
"How's the feeling?" Mayamaya ay tanong ni Landon na maliban sa paghimas sa binti niya ay hinawakan nito ang hinlalaki niya at bahagyang itinaas iyon na nakatulong sa mabilis na pagkawala ng pulikat niya.
Suminghot muna siya bago iminulat ang mga mata saka tumingin sa gawi ni Landon na nakaupo sa bandang paanan niya na magulo ang malagong buhok na paborito yatang hair style ng lalaki. "Medyo nawala na ang sakit, salamat.''
"Next time, gisingin mo ako." Muling nilagyan ni Landon ng kumot ang kanyang katawan hanggang bewang. "Iyakin ka pa rin." Umiiling si Landon na bakas pa rin ang pag-aalala nang pahirin ang kaunting luha na dumaloy sa pisngi niya gamit ang isang kamay nito.
"Masakit kasi talaga para akong hihimatayin-"
Hindi niya naituloy ang iba pang sasabihin ng biglang tumunog ang kanyang tiyan. Nagugutom na naman siya na nakasanayan na niyang maramdaman tuwing madaling araw.
Hihiga na sana si Landon nang bumangon ulit ito mula sa kama at nagtungo sa mesang maliit na nasa gilid ng kama. "Here." Tinulungan siyang bumangon bago iniabot ang isang baso ng gatas. "Pagtiyagaan mo muna itong gatas at biscuit." Binuksan nito ang biscuit.
"Kaya ko nang kumain mag-isa, salamat dito." Kukunin sana niya ang biscuit sa kamay ni Landon nang ilayo nito.
"Ako na ang magpapakain sa 'yo hawakan mo na lang ang gatas, baka magkalat ka pa dito sa kama, open your mouth, kid." Utos ni Landon as usual sumunod na lang siya sa sobra-sobra na pag-aasikaso ng lalaki pero isa ito sa namiss niya kahit nakakainis.
Binilisan ni Lesley ang pagkain dahil naiilang siya sa bawat pagsubo sa kanya ng pagkain ni Landon. Matapos iligpit ang baso ng gatas ay muli itong bumalik sa kama na 'di kalakihan gaya ng kamang ginamit nila sa bahay nito kaya naman bahagya siyang umisod sa gilid ng kama sa pag-aalalang madikitan ang lalaki, tinalikuran din niya ito saka mahigpit na hinawakan ang kumot sa tapat ng leeg niya. May tiwala naman siya kay Landon na wala itong masamang gagawin dahil hindi ito ang unang beses na nagsama sila sa isang kuwarto. Sobrang pagkailang lang talaga ang nararamdaman niya sa lalaki.
"Mahuhulog ka na sa sahig." Narinig ni Lesley at kinabig siya ni Landon patungo sa gitna ng kama kaya hindi maiwasang magkadikit ang mga katawan nila. Pilit niyang inaalala kung ano ang posisyon nila kanina nang atakihin ng pulikat pero wala siyang matandaan. Magkadikit ba sila tulad nito?
Hindi inalis ni Landon ang braso na ginamit upang mailipat siya sa gitna ng kama sa halip ipinasok pa nito ang mainit na kamay saka inilagay sa tapat ng tiyan niya dahilan upang lalo siyang manigas sa puwesto, mabuti na lang nakatalikod siya dito kung hindi ay makikita nito ang namumula niyang mukha.
BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
Novela JuvenilHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...