20

2K 98 47
                                    

"WALA na sa tamang pag-iisip 'yang tiyahin mo, Bee, sagad na sa buto ang kasamaan ng ugali, nakakapanggigil ang sarap tadtarin ng pinong-pino." Malakas na tinusok ni Mona ang hotdog na nasa pinggan nito na pasalubong sa kanya. "Isa't kalahati ka din naman kasing 'di nag-iisip, kung bakit bumalik ka pa sa impiyernong bahay na 'to," ngumunguyang wika ng kaibigan habang masama ang tingin na iginagala ang paningin sa loob ng bahay ni Tiya Helen.

Ito ang pangalawang beses na binisita siya ng kaibigang si Mona, abala na kasi ito sa pag-aaral nakakapunta lang ito kapag maagang natapos ang klase sa dating school na pinapasukan niya, malamang magkaklase pa rin silang magkaibigan kung nag-aaral siya ngayon.

Huminga ng malalim si Lesley na tumingin sa gawi ni Lola Mely na abala sa pakikinig ng drama sa lumang radyo. "Maliban sa wala akong pupuntahan, Bee, isa si Lola sa binalikan ko dito. Nang bumalik ako napakapayat niya at nahihirapang makalakad dahil sa rayuma, abala si Tiya Helen sa kanyang negosyo."

Umismid si Mona hindi sang-ayon sa sinabi niya.

"Ang sabihin mo wala siyang pakialam kahit sa sarili niyang magulang, bakit ba may mga anak na kapag tumanda at mahina na ang kanilang magulang sa halip na alagaan, eh, parang hindi kadugo kung ituring? Tulad ni Aling Helen,"

"Hayaan na lang natin, ang importante narito na ulit ako para alagaan si Lola Mely,"

"Kanina ko pa napapansin hindi mo ginagalaw ang pasalubong kong hotdog at kikiam? Ako na ang nakakaubos," puna ni Mona na nakatingin sa pagkain na nasa pinggan niya.

"Sorry, Bee, sinabi ni Landon na bawal sa 'kin ang mga frozen food at street food makakasama daw sa baby." Napangiwi si Mona sa sinabi niya hindi lingid dito na isa ito sa paborito nilang dalawa at alam din ng kaibigan ang buong kuwento tungkol sa mga nangyari sa kanya. "Kumakain pa rin naman ako ng hotdog at kikiam pero gawa sa gulay, natatakam tuloy ako ngayon hindi ko alam kung saan binili ni Landon 'yong ganoong klase ng pagkain."

"Sa hotdog ka ba talaga natatakam o sa may-ari ng hotdog?-ay mali! Ibig kong sabihin sa taong bumili ng hotdog-ganern!" Inosenteng tanong ni Mona sabay kuha sa pagkain niya. "Ako na nga lang ang kakain nito, sayang naman, ayaw din ni Lola Mely, eh."

"Itong tinapay na lang ang kakainin ko mamayang gabi kapag nagutom ako," tukoy niya sa paper bag na tinapay ang laman kasama sa mga dala ni Mona. "Parang balewala ang mga kinakain ko, Bee, palagi akong nagugutom minsan sumisipa pa yata ang baby ko kasi gumagalaw," natutuwang kuwento niya sa kaibigan na sunod-sunod ang pagsubo sa pagkain.

"Wala akong alam sa ganyang bagay, Bee, kaya ngayon pa lang sabihin mo sa 'kin kung anong mga pagkain ang pwede kong dalhin sa 'yo sa susunod,"

Napapaisip na sumagot si Lesley, "Ahm, basta masustansya iyon ang palagi kong naririnig kay Landon tapos palagi niyang binabasa ang nutrition content ng pagkain bago ipakain sa 'kin kung hindi prutas o gulay. Kaya naman naalala ko pa na nagpipigil ng galit ang mukha niya noong araw-araw-"

"-araw-araw ka nagpapabili ng ice cream para sa almusal mo at kahit sabihin niyang bawal bandang huli ibibili ka pa rin." Naaalibadbarang pagtutuloy ni Mona sa kuwento niya para ding biglang umasim ang kinakain nitong hotdog. "Alam mo, Sisay, naiirita na ang mga tutuli ko sa tenga, bukambibig mo palagi ay 'yong Landon na nang-iwan sa 'yo, 'yong Landon na matapos kang buntisin ay nasaan ngayon? Ngayon, na mas kailangan mo siya dahil kung ano-ano na ang binabalak ng tiyahin mo para pagkaperahan lang kayong mag-ina." Nauwi sa sermon ang mga sinabi ng kaibigan na totoo naman. "Hindi pa nakuntento sa pakikinabang ng taong nagmagandang loob na pag-aralin ka kahit kung iisipin ang creepy niya, Bee, tapos ngayon ang anak mo naman ang gustong ipaampon kapalit ng malaking halaga,"

"Kasalanan ko kaya siya umalis," halos pabulong na sagot ni Lesley.

"Hmp, ewan, ipinagtatanggol mo pa ang Landon na 'yon. Ano bang hitsura ng sira ulong 'yon? Baka makasalubong ko pag-uwi ko mamaya, ipapatokhang ko kay tatay." Tukoy sa ama nitong bagong barangay tanod sa katabing barangay kung saan nakatira ang kaibigan. "Ang isipin mo kung paano ka makakalis dito sa tiyahin mo, Bee, hindi 'yang pagtatanggol sa Landon na 'yan, pakiramdam ko tumaas yata ang blood pressure ko- nangangapal ang balat ko na parang nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok." Binitiwan ng kaibigan ang tinidor n hawak saka hinimas ang sarili nitong batok.

The Young BRIDE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon