"Hindi, hindi ako sasama sa 'yo." Sunod-sunod na umiling si Leisley ngunit 'di magawang salubungin ang galit na si Landon ngunit hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang pagngangalit ng mga ngipin ng binata.
"I am not asking you "kid", if you want to go with me or not. I'm just informed you." Marahas na umalis si Landon mula sa kinatatayuan sa may gilid ng hospital bed.
Gusto pa niyang magprotesta sa lalaki ngunit huli na dahil nakalabas na ito ng private room na inuukupa niya sa loob ng isang linggo. Higit sa lahat gusto niyang ipaglaban na hindi na siya bata para tawaging "kid"! Kaya lang baka tuluyan na siyang mabalian ng mga buto sa braso kapag ipinilit Niya ang kagustuhan. Tulad na lamang noong sabihan niya ng Prinsipe ng kung anu-ano ang lalaki, mabuti na lang dumating ang nurse kaya agad binitiwan ang kanyang braso. Parang Leon na palaging handang manakmal si Landon kapag may hindi ito nagustuhan. Napakahirap pakitunguhan nito, pakiramdam niya nakatapak siya sa orasan, mas malupit pa sa kanyang Tiya Mely.
Malungkot na napahimas siya sa maliit niyang tiyan, hindi pa man malaki ang kanyang ipinagbubuntis Pero dama niya ang nabubuhay na paminsan-minsang mahinang pagtibok sa kanyang sinapupunan. Hindi niya maiwasang maalala si Demark. Walang araw na 'di sumagi sa kanyang isipan si Demark, sabik na sabik na siyang makita ang binata. Simula ng sapilitan siyang and isama ni Landon ay wala na siyang naging balita sa lalaki. Hinahanap kaya siya nito? Inaalagaan naman siya ni Landon, masyadong over acting na nga yata ang lalaki. Narinig niyang sinabi ng doktor na maaari na siyang umuwi at sa bahay magpahinga pero tinakot pa ng lalaki ang pobreng doktor na kapag daw may masamang nangyari sa kanyang baby oras na ilabas siya ng ospital ay idedemanda raw ito at sisiguruhing matatanggalan ng lisensya. Kaya naman special treatment ang pag-aasikaso sa kanya dito mula sa tatlong nurse na kinuha ni Landon hanggang sa doktor na tumitingin sa kanya. Siya ang napapahiya sa magaspang na ugali ng ama ng kanyang anak. Normal lang naman na mag-alala ang isang magulang pero si Landon nakakasakal mag-alaga. Mabilis na pinahid ang luhang namalisbis sa pisngi nang dumating ang isa sa mga nurse na nakaduty para sa umagang iyon. Tatlong nurse ang nagpapalitan sa pag-aalaga sa kanya sa loob ng isang araw na palaging alerto dahil nakabantay palagi si Landon sa kondisyon ng kanilang baby.
"Miss Liesley, pinapasabi ni Prince Landon maghanda ka na daw para sa paglabas dito sa hospital," bungad agad ng matabang nurse na si Nurse Joy.
Hindi niya maiwasang magkumento sa palaging itinatawag ng nurse kay Landon, sabagay lahat naman ng nasa ospital na iyon at Prince Landon ang tawag sa lalaki maliban sa kanya. Aaminin niyang natatakot siya sa ugali ni Landon pero hindi niya kayang sundin ang utos ng binata."Nurse Joy, wala naman dito 'yong prinsipe mo kaya okay lang na Landon lang, hindi naman siya totoong prinsipe eh. Feelingerong prinsipe lang" Magalang ngunit bakas sa tono ng pananalita niya ang pagkadisgusto sa narinig na tawag kay Landon.
Napangiti na lang si Nurse Joy sa tinuran niya habang inihahanda ang isusuot niyang damit na nakalagay sa mga paper bag na daladala ng butler na si Dimitri kahapon, bukod pa ang binili nito noong unang araw niya dito na hindi naman niya naisusuot maliban sa underwear. Nagmukha ng bargain ng mamamahaling mga damit sa isang sulok ng kuwarto na kinaroroonan niya. Gustong-gusto niyang tingnan isa-isa at isukat ang mga iyon pero ayaw niyang magmukhang ignorante sa mga ganoong bagay. Buong buhay niya ngayon lamang siya nagkaroon ng ganoong brand ng mga damit. Kung 'di pa hinalungkat ni Nurse Joy noong minsang maghanap ng panty niya ay hindi siya magkakaroon ng pagkakataon na makita ang ilang maternity dress.
"Okay lang sa 'kin na tawagin siyang prinsipe, nababagay naman sa kanya kasi ang guwapo at yummy ng daddy ng magiging baby ninyo." Kinikilig pang wika ng kausap na para bang nasa harapan si Landon.
Tanging si Nurse Joy lang ang naging nakapalagayan niya ng loob sa isang linggong pamamalagi dito, marahil siguro ito ang pinakamalapit sa kanyang edad at parang ate na ang turing niya sa dalawapu at limang gulang na dalaga. Kaya naman ng minsang umalis si Landon ay naikuwento niya ang talambuhay sa naturang nurse. Kaya kapag ganitong sila lamang dalawa ay nasasabi niya ang gustong sabihin habang kinikilig naman ang kaibigan kay Landon.
Napabuntonghininga siya nang maalala na ngayong araw na ang alis niya ng Pilipinas.
"Bakit, may problema ba, bunso?" Ito ang tawag sa kanya ni Nurse Joy dahil sa kagustuhan nitong magkaroon ng kapatid na babae, pulos lalaki daw kasi ang limang kapatid nito.
"Ayaw kong sumama kay Landon sa Finland, Nurse Joy, pero wala akong magawa. Sa ilang araw na kasama ko siya, alam kong palagi ang desisyon niya ang dapat na masunod. Sana hindi na lang siya ang naging ama ng anak ko, ngayon pa lang ay nasasakal na ako. Kung ako ang papipiliin mas gugustuhin kong manatili sa Villa kasama so Demark, doon walang Landon na nagdidikta daig pa si Tiya Mely,"
"Bruha ka talaga! Alam mo sa isang banda mapalad ka pa rin dahil hindi kung sino lang ang gumawa sa 'yo niyan. Marami ngayon ang amang nag -aabandona ng sarili nilang anak pero si Prinsipe Landon hinanap ka niya-"
"-ang anak ko, Nurse Joy, wala siyang pakialam sa 'kin." Idinampi ni Lesley ang isang kamay sa tiyan. Parang may hindi maipaliwanag na gumuhit na kirot sa kanyang dibdib nang ituloy ang iba pang sasabihin ng nurse pero pilit iwinaksi iyon dahil walang dahilan upang magkaroon ng concern sa kanya si Landon. Alam niyang kung 'di dahil sa magiging baby nila hindi siya pagtutuunan ng ganitong atensyon, iyon nga lang nakakasakal kulang na lang 'wag siyang huminga sa tuwing nasa paligid ang lalaki. Ang lakas palagi ng kabog ng dibdib niya Lalo na kapag hindi sinasadyang mapatingin sa kulay itim nitong mga mata na tinernuhan ng makakapal na kilay na palaging magkasalubong. Kaya palagi siyang nakayuko kapag kauspa ito o sa ibang direksyon nakatingin kapag kinakausap siya ng lalaki.
"Bakit, bunso, gusto mo bang sana ikaw ang rason kung bakit ka isasama sa Finland ni Prince Landon?" may panunudyong wika ni Nurse Joy at pigil ang ngiting nakatingin sa kanya.
"Hindi ah! Ano-ah, ang ibig kong sabihin sana hindi na lang niya ako isama sa ibang bansa. Pwede namang dito na lang ako, ga-noon ang ibig kong sabihin. Pu-pwede na dito ako, doon siya hindi kk naman ipagkakait sa kanya ang baby ko-"
"My child also, Leisly Balansag! Keep that in your mind, kid,"
Sabay silang napalingon ni Nurse Joy sa nagsalita mula sa may pintuan kung saan nakatayo si Landon at maangas na magkakrus ang mga braso sa malalapad nitong dibdib. Sa suot nitong plain white t-shirt at cargo pants na tinernuhan ng puti ding sapatos, mapagkakamalan itong modelo. Inalis niya ang pag-aanalisa sa hitsura ng bagong dating bago pa siya mahalatang nakatitig dito.
"Nurse, what I had told you earlier?" Naglakad si Landon palapit sa kanilang dalawa na natitigilan sa biglaang pagdating ng lalaki.
"Yes po, Prince Landon, naghanap pa po ako ng babagay na damit kay Miss Leisley," natatarantang dinampot ni Nurse Joy ang inihandang kulay cream na dress. "Halika na, Miss Leisley, tutulungan na kitang maligo sa banyo,"
Akma siyang aalalayan ni Nurse Joy pababa ng kama nang agawin ni Landon ang kaliwa niyang kamay dito.
"Ako na ang magdadala sa banyo, ayoko nang maulit na naman ang nangyari kahapon,"
"Teka, ibaba mo ako, ano bang- mahinang pagkatisod lang naman ang nangyari sa akin kahapon at isa pa naalalayan mo agad ako," protesta ni Leisley ng bigla siyang pangkuin na parang sa bagong kasal. Nagtaasan na yata lahat ng balahibo sa kanyang buong katawan.
Humihingi ng tulong na tumingin siya kay Nurse Joy habang naglalakad si Landon patungo sa banyo pero ang magaling na nurse ay mapupunit na yata ang mga labi sa lapad ng pagkakangiti. Hindi na nito napansin ang nais niyang iparating sa pamamagitan ng nakikiusap na mga mata.
"I don't trust you, napakalampa mo." Galit na sabi ni Landon bago siya maingat na ibinaba sa loob ng banyo na animo'y babasaging kristal. Para sa anak- paalala niya sa sarili.
Inalalayan pa siyang maupo sa monoblock chair ni Landon na ipinalagay ng lalaki para daw makaiwas sa posibilidad na madulas siya habang naliligo.
Nang makalabas si Landon ng banyo ay walang ipinagbago ang lapad ng ngiti ni Nurse Joy.
"Alam mo, bunso, kung hindi ko lang alam na 'di talaga kayo mag-asawa, iisipin kong mahal na mahal ka ni Prince Landon para bang-"
"Nurse Joy, kilabutan ka sa mga sinasabi mo alam mong malabong mangyari at isa pa ang tanda na niya tapos palaging ipinapamukha sa akin na bata lang ako. Naririnig mo naman na kid parati ang tawag sa 'kin," hindi niya maipaliwanag kung nanghihinayang ba siya dahil hindi sila magkasing edad ni Landon o naiinis siya dahil para sa magiging anak nila kaya ito ganoon ka-concern sa kanya. Ewan hindi na niya maintindihan ang sarili maging siya ay naguguluhan.
"Ay, ano 'yan? Anong ibig sabihin ng sintimiyento mo, buntis? Iyong iba nga diyan parang tatay na ang asawa nilang lalaki, o 'di kaya'y 'yong babae naman ang mas matanda. Isa age doesn't matter," litanya ng nurse habang nilalagyan ng shampoo ang kanyang buhok. "Sa tingin ko naman wala pang thirty year old si Prince Landon at ikaw naman dalaga ka na, baka sinasabi lang niya na bata ka kasi may gusto na siya sa 'yo..." May pagtili pa ng mahina ang nurse sa huling sinabi.
"Wala, ang ibig kung sabihin ganoon lang talaga siguro si Landon kasi para sa baby namin. Malisyosa lang ang makasalanan mong mga mata, Nurse Joy," mabilis niyang katuwiran, "bilisan na natin, malamang magkasalubong na naman ang mga kilay ng prinsipe ninyo." pag-iiba niya saka nagmamadaling tinapos ang paliligo sa tulong ng nurse, kung tutuusin kaya naman niya maligo mag-isa pero iyon ang utos ni Landon.

BINABASA MO ANG
The Young BRIDE
Teen FictionHighest ranking-: #1teen drama Kaunting panahon na lamang ay tuluyan nang maaabot ni Landon Harkin ang pinapangarap na posisyon bilang susunod na hari ng Norway. Ilang taon pa ang gugulin ni Lesley bago tuluyang makaalis sa poder ng tiyahin na labis...