17

1.8K 81 15
                                    

Hindi mapakali si Lesley kung kaya't lumabas na din siya ng kuwarto upang sundan si Landon na kabilin-bilinang huwag siyang lalabas. Nasa sala pa lang siya ay malinaw niyang naririnig ang tinig ng taong nais niyang makita. Kung 'di lang siya buntis ay tiyak na kanina pa siya tumakbo palabas ng bahay.

"Ikaw ang dahilan sa pagkasira ng kinabukasan ni Sisay, kaya wala kang karapatan na maging ama ng dinadala niya. Ngayon umaasta kang isang ulirang ama! Bigyan ng jacket 'yan!" Pumapalakpak na pang-uuyam ni Demark habang inaalalayan ni Trixie dahil sa kalasingan.

Hindi agad namalayan ni Landon ang paglapit niya dahil nakatalikod ito.

"Trixie, alisin mo ang taong 'yan dito sa pamamahay ko habang kaya ko pang pigilan ang sarili ko," bakas ang pagtitimpi sa boses ni Landon.

"Yes, uncle. Demark, let's go, sabi mo ihahatid mo lang ako dito sa house ni uncle, but look what you are doing. Kahit pagbalibaligtarin natin hindi ikaw ang ama ng pinagbubuntis ni Lesley. You should be happy dahil wala ng pabigat sa buhay mo." Pilit hinihila ni Trixie si Demark.

"ေ်ိ္ါ္ဋဋ၍႑႒႒ၲၴၱၴၴၳၲၲၲၴၦၦၧၧႅၷၻၶNo, hindi ako aalis dito hanggang hindi ko nakakausap si Sisay. Gusto kong marinig mula sa kanya na ayaw niyang sumama. We all knew na puwersahan lang siyang kinuha ng gagong 'to." Saka idinuro si Landon.

Mukhang naubusan na yata ng pasensya si Landon kung kaya't mabilis na umigkas ang kamao nito sa mukha ni Demark. Sabay silang napasigaw ni Trixie dahil sa bilis ng pangyayari. Akmang babangon si Demark mula sa pagkakahiga sa semento upang gumanti ng suntok pero mabilis na nakalapit si Landon at pinagsusuntok ang walang kalaban-laban na lalaki dahil sa kalasingan walang anumang lumalabas na salita sa bibig, ngunit bakas ang galit sa bawat pinapakawalang suntok.

"Uncle Landon, please tumigil ka na. Hindi alam ni Demark ang mga pinagsasabi niya, he's drunk." Iniharang ni Trixie ang katawan sa pagitan ng dalawa pero parang papel na tinabig ni Landon ang pamangkin na tumalsik na nakaupo semento.

Parang nawawala na sa sarili si Landon sa tingin ni Lesley ay balak yatang patayin sa pamamagitan ng suntok si Demark. Habang si Demark ay tila wala na yatang malay at patuloy na tinatanggap ang matigas na kamao ni Landon. Puno ng pag-aalala ang puso niya para kay Demark at labis na takot kay Landon ngayon lang niya nakitang nagalit ng husto ang lalaki. Kahit palagi itong seryoso at paangil kung magsalita pero hindi tulad ngayon na maging si Trixie ay nasaktan.

"Ano pang tinatayo-tayo mo d'yan, Lesley? Tulungan mo akong patigilin sila!"

"Ha? Paano? Baka pati ako ihagis ng uncle mo," nahihintakutang sambit niya.

Sumigaw ng matinis si Trixie. " Ang bobo mo talaga kahit kailan, Lesley!"

Wala sa sinabi ni Trixie ang atensyon niya kung 'di sa dalawa. Atubiling inihakbang niya ang mga paa palapit sa likuran ni Landon.

"La-landon, tigilan mo na 'yan, baka mapa-tay mo si Demark,"

Pero parang walang narinig si Landon nanginginig na ang katawan ni Lesley sa labis na takot, naalala niya sa tuwing sinasaktan ng kanyang ama ang walang kalaban-laban na ina. Nakasiksik na siya sa isang sulok sa tuwing nag-aaway ang mga magulang.

Pikit ang matang niyakap ni Lesley mula sa likuran si Landon, pilit niyang nilalabanan ang nadaramang panginginig ng katawan dahil sa takot na baka siya ay itulak ng lalaki gaya ng ginawa kay Trixie.

"Tumigil ka na," bulong ni Leslie habang mahigpit na nakayakap kay Landon, hindi siya sigurado kung narinig ito ng lalaki.

Ilang segundo lamang ang lumipas ay tumigil sa pagsuntok si Landon. Nagmulat siya ng mga mata nang baklasin ng lalaki ang mga braso niya mula sa pagkakayakap dito. Nahihintakutan na sinalubong niya ang namumulang mukha nito dahil sa matinding galit na tila handang pumatay anumang oras.

"I told you na huwag kang lalabas ng kuwarto, bakit ba ang tigas palagi ng ulo mo?" matalim ang mga matang tumititig sa kanya si Landon.

Gustong magpaliwanag ni Lesley pero sa tuwing susubukan niyang ibuka ang mga labi ay walang lumalabas na salita. Dumoble pa yata ang takot niya dahil parang siya ngayon ang napagbabalingan ng galit ni Landon. Napaatras siya at napaupo sa semento ng iaangat nito ang kanang kamay palapit sa mukha niya, pipikit na sana siya upang tanggapin ang sampal o suntok ng kaharap nang magsalita ito.

"Makakasama sa baby natin ang pagiging iyakin mo." Pinahid ni Landon ang hindi niya namamalayang pagtulo ng mga luha marahil sa sobrang takot. "You're shaking, did I scare you? " unti-unting nabura ang halos lumiyab na mga mata ng lalaki dahil sa galit at napalitan ng pag-aalala. "This is all my fault-"

"Huwag ka ng magalit kay Demark,"

Natigilan si Landon at sa isang iglap lang ay muling tumalim ang mga mata nito ng lingunin si Demark na inaalalayang makatayo ni Trixie. Gusto niyang magsisi sa pagbanggit ng pangalan ni Demark pero hindi na niya magawang bawiin pa.

"Uncle Landon, I am sorry for what happened this is all my fault. Ihahatid ko na muna si Demark sa pad niya,''

"Trixie, we will talk later,'' maawtoridad na wika ni Landon.

"Sisay, halika na umuwi na tayo. Sisay, please umuwi na tayo, narito na ako sorry dahil natagalan bago kita nasundo. Ginawa ko ang lahat para lang makita ka ulit," mahinang wika ni Demark ngunit malinaw na rumehistro sa kanyang pandinig. "Kahit ilang beses pa akong bugbugin ng tarantadong 'yan hindi ako titigil hanggang 'di ka nailalayo sa demonyong lalaki na siyang dahilan sa pagkasira ng buhay mo." Nabanaag niyang may dumaloy na luha sa namamagang mukha ni Demark 'di rin nito halos maimulat ang mga mata dulot ng panununtok ni Landon.

"Demark," tanging nasambit ni Lesley na 'di malaman kung ano ang sasabihin.

"Pumasok na tayo sa loob malalim na ang gabi, masama sa 'yo ang magpuyat." Inalalayan siyang tumayo ni Landon na hindi inaalis ang tingin kay Demark.

"Sandali, gusto kong makausap si Demark,"

"Wala na kayong dapat pag-usapan pa, Lesley, kung pasasalamat ang kailangan niya I will send the money to him bilang pagtanaw ng utang na loob,'' matigas na wika ni Landon, unti-unti ding humihigpit ang hawak nito sa kanyang braso pero binalewala niya iyon.

Buong lakas na binawi ni Lesley ang sariling braso mula sa matigas na kamay ni Landon at namumuhing tumingin dito na halatang nagulat sa ginawa niya. ''Pera na lang ba palagi ang katumbas ng bawat bagay para sa 'yo? Wala akong pakialam kung iyan ang pananaw mo pero hayaan mo akong magdesisyon para sa sarili ko. Ako ang masusunod kung ano ang gusto kong gawin, hindi ikaw, Landon.''

Tumawa ng pagak si Landon inilagay nito ang mga bisig sa tapat ng dibdib. "Are you saying na sasama ka sa lalaking 'yan. Alam ko naman na sa simula pa lang ayaw mo sa 'kin but I did'nt care. Araw-araw pinapakita mo na parang wala ako sa tabi mo, na parang 'di ako nag-i-exist, hindi mo nakikita ang mga ginagawa ko para sa 'yo at sa magiging anak natin. It's look like na nakikipagkumpetensya ako kay Demark na hindi mo nakikita. Ako ang ama ng dinadala mo pero ako ang namamalimos ng atensyon mo. Ako ang kasama mo pero ang gagong 'yan ang laman ng isipan mo,''

Parang bombang sumabog sa pandinig ni Lesley ang mga sinabi ni Landon. Hindi niya akalain na ganoon pala ang nararamdaman ng lalaki. Ang palagi lang niyang nakikita ang palaging pagdidikta nito sa araw-araw, ngayon lang niya napagtanto na napakamakasarili pala niya.

''If you want to go with him, then go! Umalis ka, iwan mo ako. I am like a trash for you, I knew it,'' sumisigaw na wika ni Landon nang hindi siya nakahuma sa unang mga sinabi nito. ''I am a demon because I raped you, akala mo ba hindi ko pinagsisihan 'yon! Kung sa akala mo hindi ako napapagod sa pag-aalaga sa 'yo then you're wrong because sawang-sawa na ako sa panunuyo sa 'yo. Leave,''

Galit at sakit ang nababanaag ni Lesley sa mga mata ni Landon bago ito tumalikod at malalaki ang hakbang pabalik sa loob ng bahay. Ilang sandali pa ay humaharurot na palabas ng garahe ang isa pang kotse na pag-aari ni Landon. Para siyang estatwa na nakatayo pa rin malapit kina Demark at Trixie.

"Good for you, Lesleပy, sabi ko naman sa 'yo hindi magtatagal at matatauhan din si Uncle Landon. But do not try na sumama kay Demark dahil ako mismo ang sisipa sa 'yo palayo sa kanya,''

Lumingon si Lesley kay Trixie na inaalalayan na makasakay sa kotseng bagong dating, mabilis ding bumaba ang driver upang tulungan ang dalaga dahil tila nakatulog na sa kalasingan si Demark. Naiwan siyang wala sa sarili at hindi malaman ang gagawin.

#UNEDITED

The Young BRIDE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon