[SON'S POV]
"Ikey-baby, saan ba tayo?" pangungulit ko kay Ikey. bumaba na kasi kami ng tricycle tapos sumakay naman kami ng jeep.
"basta! Matutuwa ka kapag nakapunta na tayo dun." Sagot ni Ikey habang busy siya sa pagtetext.
"sino katext mo Ikey-baby." Usisa ko sa kanya. Para kasing napaka-importante nung katext niya.
"Hubibi mo. Hehe."
"sus. Akala mo naman maniniwala ako sayo. Di mo pa nga nakikita Hubibi ko eh."
"hehe. Wait! Saan na ba tayo?" tumingin sa labas ng jeep si Ikey-baby.
"hindi ko alam. Saan ba kasi tayo pupunta?"
"wait lang Son-baby ha?" sabi niya at naging busy na naman siya sa pangangalikot ng cellphone niya.
"okay." Nagkibit balikat ako. hay! Namiss ko ring magcommute. Pero ang mas namiss ko talaga ay ang excitement kapag naiisip ko na makikita ko si Hubibi dun sa terminal ng jeep.
Yung feeling na ang saya saya ko na na makita siya.
Yung feeling na kapag nag-smile siya sakin ay parang nasa na heaven ako.
"Son-baby, baba na pala tayo." Hinawakan ako ni Ikey sa kamay. "PARA!"
Tumigil naman yung jeep.
Sumusunod lang ako kay Ikey kung saan man niya ako dalhin. Feeling ko lang hindi alam ni Ikey ang pupuntahan namin. Nakakunoot noo kasi siya kaya di ko muna siya dinadaldal at medyo pinagpapawisan na rin siya.
"sasakay tayong bus?" nasa tapat na kasi kami ng waiting area ng bus.
"oo?" nakangiwing sagot ni Ikey.
"bakit parang hindi ka sigurado?'
"hehe." Napakamot sa ulo si Ikey. "sa totoo lang Son-baby ngayon pa lang ako nagcommute kaya medyo naguguluhan ako lalo na at hindi naman lagi dito ang way ko."
"hala! Baka maligaw tayo wahh! Saan ba kasi tayo pupunta?" sana sinabi niya agad kanina pa para hindi siya nahirapan.
"sa school mo. Andun yung kotse ko eh."
"ay! Ang layo naman. Tara na, sakay na tayo ng bus. Ako na nga lang mag-gaguide sayo." Sumakay na kami ng bus.
Nang makaupo na kami sa bus ay nakita ko si Ikey na pawis na pawis.
"Ikey-baby pawis na pawis ka woh!"
"hehe. Okay lang to. Dagdag pogi to." sabi niya habang pinupunasan niya ang pawis niya.
"alam mo Ikey baby namiss ko toh. Two months ko rin tong hindi nagawa eh. Pinagbawalan na kasi ako ni Papa." Basta talaga si Ikey ang kasama ko nagagawa ko agad mag share. Feeling ko nga si ikey ang bestfriend ko na lalaki dahil halos lahat sa kanya nashare ko na.
"buti nga hindi ka na pinayagang mag commute. Delikado rin kasi. Kita mo kanina. Hindi pa tayo nakakaupo tapos bigla nalang umandar tong bus. Muntik pa akong mapasubsub. Buti na lang at nakahawak ako agad. Sayang naman ang face ko kung magagasgasan di ba?"
"hehe. Pero Ikey baby bakit hindi ka nalang muna pumunta sa Trinity bago mo ako sunduin? Eh di sana nakasetting pretty tayo sa kotse mo di ba?"
"oo nga pala Son-baby, birthday mo ngayon di ba?"
"paano mo nalaman?" buti pa si ikey nakaalala ng birthday ko. Sila Papa hindi manlang naalala. Si Bii hindi rin. Wala ngang nagtetext sakin eh. Hapon na lang lahat pero wala manlang. Sila Mama nga wala rin sa bahay eh kaya nakaalis ako.