[Son's PoV]
Nakarating na ako sa University na pinapasukan ko kaya bumaba na ako ng jeep. Nang makababa ako ay nakatingin lang ako sa jeepney na sinakyan ko, naiwan dun si Mr. don't-know-the-name. Inalis ko lang ang pagkakatingin ko ng mawala na sa paningin ko ang jeepney na yun.
Sana makita ko ulit si Mr. Don't-know-the-name bukas. Sana lagi ko nalang siyang nasisilayan.
One silay per day lang naman ako sa kanya. Ano kaya kung hindi ako bumaba agad para malaman ko kung saan siya bumababa?
Napabuntong hininga nalang ako. Nahuhulog na kaya ako sa kanya? Hindi kasi nakokompleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Sana lang katulad ako ng ibang babae na kayang makipag-usap sa isang total stranger. Kaso, kahit hi o hello hindi ko masabi sa kanya.
Pumunta nalang ako sa tambayan namin ni Bi pero wala pa siya. Si Bii ay bestfriend and classmate ko, Beatirz Mendez ang totoo niyang pangalan. Ako lang naman ang isang napakasipag pumasok. And take note, two hours early ako.
Ang destination ko naman ngayon ay sa Cafeteria. Hindi ako nakapagbreakfast ng maayos kanina dahil baka ma-late ako sa tipanan namin ni Mr. Don't-know-the-name. Habang naglalakad ay bigla bigla nalang akong napapanggiting mag-isa. Naalala ko lang naman ang beautiful face ni Mr. Don't-know-the-name.
Dati naman ay lagi akong late pumasok. Hirap na hirap kasi akong gumising ng maaga pero netong mga nakaraang buwan, I was more eager to wake up early even at six in the morning. Sino ba naman ang hindi sisipaging pumasok ng maaga kung ang makikita ko lang naman ay ang pogi niyang mukha?
Naalala ko pa noon kailangan kong pumasok ng maaga kasi may report akong kelangang tapusin and then boom!! I saw him na nakapila sa terminal ng jeep.
Magmula nun maaga na akong pumapasok kahit wala namang kailangang tapusing report. Masaya na ako kahit di ko alam name nya. Basta nakikita ko lang siya.
"Baliw ka na!"
Laging sinasabi ni Bii, my one and only bestfriend. Siya lang ang tinuturing kong kaibigan.
Natatawa na nga lang ako minsan sa sarili ko. He is my first crush ever. And natutuwa ako every time na makikita ko sya. Pero kabaligtaran nun pag di ko sya nakikita. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa, OA na naman ako, kapag diko sya naabutan o nakita sa terminal ng jeep.
"Okay lang yan. May bukas pa naman."
Line naman ni Bii kapag nakasimangot at malungkot akong nakita niya. Alam na niya na hindi ko nakita si Mr. Don't-know-the-name kapag nakasimangot na ako.
Feeling ko sobra na akong nahuhulog sa kanya. Sana lang saluhin niya ako kapag tuluyan na akong nahulog sa kanya. Masakit kaya kapag walang sasalo sa akin kung hindi ang floor lang. Ouchie nun.
Nakarating na ako sa cafeteria kaya inabala ko na ang sarili ko sa pagpili ng makakain.