[BII'S POV]
di ko na kukuwento masyado yung buong accountancy week at baka antukin kayo. Kasi seminars, external and internal quiz bee yung mga naganap. Meron pa pala yung testimonial dinner, yun yung nagbibigay ng mga inspirational talk yung mga nakapasa sa board exam, kung pano sila nakasurvive, something like that.
Nakaprincess attire nga dapat kame dyan ni Allison pero simple dress lang sinuot namin. Royal Theme daw kasi, di lang talaga kami sumusunod ni Allison.
But anyway Mr. & Ms. Accountancy Week with a twist na also known as Bebot at Kelot. Dito kaming dalawa ni Allison sa backstage kasama ng mga ibang contestant inaayusan nya ako. Mamaya kasi magsisimula na.
Kinakabahan ako hindi dahil rarampa ako sa harap ng maraming tao. Kundi nahihiya ako kasi alam kong manonood sila Dave.
Pasaway kasi tong si Allison eh. Nagyayaya ng kung sino sino. I didn’t mean anything dun sa kung sino-sino. Nahihiya lang talaga ako. Pero wala na naman kasi akong magagawa.
"ready na ba kayo ?" yung officer na incharge yung nagsalita.
Walang sumagot samin. Busy kaming lahat sa pag-aayos eh. Kita naman nyang halos lahat hindi pa ayos.
------------------------
[ALEX'S POV]
Napatingin ako sa relo ko.
4:00 na ng hapon. 5:00 magsisimula yung program.
Wala pa yung iba. Nag-iintayan kami dito sa may parking lot ng Cedarwood. Yung iba kasi may ginawa pa kaya di ko sila kasabay ngayon na pumunta dito sa waiting area ngayon.
Si Bray lang at si Landon ang kasama ko dito.
Rrriiiinnng ..
Rrriiiinnng ..
Rrriiiinnng ..
![](https://img.wattpad.com/cover/1486451-288-k512686.jpg)