CHAPTER 59: No Hubibi from now on!
[SON’S POV]
“Ang tahimik naman Bii.” Umalis na kasi ang mga dreamguyz at kami lang dalawa ni Bii ang natira dito sa apat na sulok ng kwarto na to.
“ano pa kaya nung mag-isa lang akong nagbabantay sayo nung wala ka pang malay!”
Oo nga no? Knowing Bii. Kahit ata konting kaluskos lang maririnig kapag si Bii ang nagbabantay sakin.
“pero one week ba talaga akong tulog?”
“oo. Akala ko nga mas gusto mong matulog eh.”
“para kasing kahapon lang nangyari yung aksidente. Sino pala nagdala sakin dito sa hospital? Si Hubibi ba?”
“unfortunately, hindi ang Hubibi mo ang nagdala sayo dito sa hospital.”
“sino?”
“si Mitch. Ang taong pinagseselosan mo.”
“si Mitch?” di ako makapaniwala.
“oo. Siya ang nakita ko sa labas ng emergency room eh. Siya rin yung tumawag sakin. Alam mo ba, nakita ko siyang iyak ng iyak ng araw na yun at puro galos din ang balat niya.”
Di ako makapagsalita sa narinig ko kay Bii.
Si Mitch?
Umiiyak dahil sa nangyari sakin?
Siya ba talaga?
Ganun ba siya kaconcern sakin at iniyakan niya pa ako?
Ang sama sama ko pala talaga. Sobrang mean ko pa naman sa kanya kapag nakikita ko siya at kung ano-ano pang sinasabi ko sa kanyang masasama.