[SON'S POV]
"morning Pa, Ma," nakita kong nagbebreakfast sila.
Bakit andito pa si Papa eh late na ako bumangon. Napuyat kasi ako kagabi kasi inaasikaso ko yung mga susuotin ni Bii mamaya kaya late na ako nagising. Di naman ako nagising ng alarm ko kahit isang oras ng nag-aalarm.
Si Mama naman maaga talaga yang gumising para magluto ng breakfast namin at iniintay lang kami sa dining area. Wala kasing maid na magluluto. Labandera lang meron kame, na pumupunta lang every sunday.
"morning din my Princess." nakangiting bati sakin ni Papa.
"kain ka muna bago ka pumasok sa school." pinaglagay na ako ni Mama ng pagkain ko sa plato.
"salamat po Mama." nakangiti ako.
"Pa bakit po andito pa kayo eh 9 am na. Di ka po ba papasok sa office?" di kasi naka office attire Papa ko tapos ngayon pa lang sya nagbebreakfast.
"maya pa akong hapon papasok ng office. May dadalawin lang akong isang kaibigan." napansin kong nalungkot si Papa nung banggitin nya yung kaibigan
"may sakit po?"
"wala. He’s dead. Pang 15 death anniversary nya ngayon."
"ganun po ba?"
"oo .. Kain ka na dyan para di ka malate."
Habang kumakain ako, napansin kong nakatingin ng seryoso sakin si Papa.
"Pa, bakit po ? May problema po ba ?" kasi ang seryoso eh. Di ako sanay.
"Ah--eh, wala." pilit yung smile ng Papa ko. Di ko na lang pinansin kasi baka problema lang sa offfice yun o kaya dahil dun sa kaibigan nyang dadalawin mamaya.
"Bakit di ka nakasalamin Son?" si Mama ko yung nagtanong.
"ahh, ano po. Nasa bag ko. Maya ko po isusoot kapag paalis na ako." napakagat ako ng labi. Tapos nag-iwas ng tingin. Ang dame ko ng kasinungalingang nasasabi sa parents ko.