[BII'S POV]
Papunta na ako ngayon sa bahay nila Allison. Kailangan ko pa yung gisingin kaya inagahan ko na ang pagpunta dun. Tulog mantika si Allison kapag walang pasok. Naglalakad lang ako dahil ilang block lang naman ang layo ng bahay niya sa bahay namin. Kaya pa namang lakarin.
Napatigil ako sa paglalakad ng may marinig akong bumusina sa may bandang likuran ko. Gumilid ako ng daan at hindi manlang inabala ang sarili ko kung kanino ang kotseng bumusina o dadaan. Napahinto lang ako sa paglalakad ng tumigil sa tapat ko ang koste. Tiningnan ko kung sino ang driver at ang inuluwa ay ang gwapong mukha ni Dave.
Nagtaka ako kung bakit andito siya ngayon at tumigil pa talaga sa harapan ko. Sinundan niya ba ako? Paloob naman kasi ang bahay nila Allison. Baka may sasabihin lang na importante kaya naman tiningnan ko siya ng nakataas ang kanang kilay ko na parang nagtatanong kung ano ang kailangan niya. Silent person ako, kapag kaming dalaw ni Allison ang magkasama at siya tong palaging nagsasalita.
Tinanggal ni Dave ang sunglass niya at nakangiting nagsalita. "Saan ka pupunta? Sakay ka na."
Ghad! Pwede bang kiligin? Crush ko nga to di ba? Nagwawala na ako sa isip ko pero kung titingnan ako sa labas ay parang wala lang dahil hindi manlang ako ngumingiti.
Pasimple akong huminga ng malalim. "Behave, Beatriz. WAg magpahalatang kinikilig. Kalma lang. SI Dave lang yang nasa harapan mo." bulong ko sa sarili ko. Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagsalita,"Thank you, but no thanks Dave” sabi ko sa kanya ng hindi ngumingiti.
"Bakit naman?" pansamantalang nawala ang pagkakangiti nya pero ngumiti rin sya agad. Nadis-appoint ko ba sya? Nalungkit ba siya?
Spell asa Beatriz?
"Malapit lang naman pupuntahan ko eh," by this time ngumiti na ko, hindi ko na napigilan eh.
"Saan ka ba pupunta?" natuwa ata sa ngiti ko kasi mas lumapad ang pagkakangiti nya ngayon.
"Sa bestfriend ko," mati[pid kong sagot. Masyadong matagal kaming nag-uusap ni Dave and it's awrkward. Plus my heart beat. Ang bilis eh, parang tanga.
"Ah okay.. ahmn.." parang may sasabihin pa sya.
"What?" tanong ko sa kanya ng may kasamang pagtaas ng kanang kilay ko.
"Ano.. Kasi... " naging malikot ang mga mata ni Dave para siyang may gustong sabihin na hindi masabi-sabi.
Tinaas ko na lang kilay ko asking what he's going to tell me. Sobrang taas na ata ng kilay ko. Baka mamaya umabot na to sa anit ko.
"Asahan na lang kita sa Saturday ha?" sabi niya at bigla nalang niyang pinaandar ang car.
Naiwan naman akong puzzled. Nahiya ba siya? Nagmamadali? Eh?