[BII'S POV]
Umiwas ako ng tingin kay Allison. Nahihiya kasi ako. Sasabihin ko ba? Kasi naman eh.
"Woi Bii!! nagtatanong ako eh!" si Allison. Tinitingnan nya ako na parang nanghihinala. Kung makatingin parang nahuli nya ako nagchecheating.
"Ano ba yun?" parang ewan to.
"Yung kagabi? May nangyari bang maganda? Nagtapat na ba si Dave? Kayo na ba? Wahh! Tell me Bii!!" kinikilig na naman sa lovelife ng iba. Parng kiti-kiti ang loka.
"Hahaha, In your dreams Allison. Bakit di mo pa sinabing mag-asawa na kami?" napaka-advance ng utak pero ang slow naman niya lagi.
"Gusto ko kasing happy lovelife mo."
(Flashback)
"Okay, just text me up kung gusto mo ng umalis ha?" sabay pakita ko ng cellphone sa kanya.
She just smiled.
"See you around Son'" paalam ni Dave kay Allison.
Ayaw ko sanang iwan dun si Allison kaso importante ata sasabihin nila Daddy,. Pwede namang sa bahay na lang .. Pssh .. Di nga pala kame ni Daddy nagkikita sa bahay kasi tulog pa ako every morning pag pumupunta sya sa office tapos sobrang late na syang dumarating kapag gabi.
"Bea?"
Napatingin ako kay Dave. Magkasabay lang kaming naglalakad.
"bakit Dave?" ano naman kayang sasabihin neto.
"You look wonderful tonight," nakangiti netong sabo habang nakatingin sakin.
"Ei?" ngayon lang ? Hehe, Nahahawa na talaga ako kay Allison.
"Yeah.." nakangiti sya sakin. Tumigil sya sa paglalakad at humarap sa'kin.
"Bea .." nakatingin sya sa'kin. Seryoso ang mukha nya.
Bigla akong kinabahan.
thump-thump
thump-thump
Bumibilis na naman sa pagtibok ang puso ko pero hindi katulad noon na may halong pain. Parang mas masarap sa pakiramdam tong nararamdaman ko ngayon.
"I want to court you." Dave
![](https://img.wattpad.com/cover/1486451-288-k512686.jpg)