CHAPTER 27: DATE WITH IKEY PART1

8.3K 162 39
                                    

CHAPTER 27: DATE WITH IKEYBABY

 -------------

gusto ko lang idedicate sa kanya .. hihi

--------------

[SON’S POV]

Dito na ako sa mall. Nagtaxi na nga lang ako eh. Kasi mahirap kapag nagjeep. Nagliliwaliw ako. Hehe. Kahit di ko naman makita ng maayos ang paligid. Kahit yung mga tao sa paligid ko ay walang mukha dahil sa sobrang blured. Mas Malabo kasi ang mata ko kapag nasa loob ng building compared sa labas. Dediretso muna ako sa optical. Madali lang naming magpagawa ng salamin.

“Son?”

Napalingon ako kung saan ko narinig yung tumawag sa pangalan ko. Pinapaliit ko ng konti ang mata ko para luminaw kahit konti kung sino yung tumatawag sakin. At nakita ko yung lalaking palapit sakin. Sino kaya yun? Di ko masyadong Makita eh. Si Ikey ata yun. Pero bakit may soot na salamin?

“HOY!!”

ayy!!  Nagulat naman ako. Bakit ka ba nanggugulat ha !?” sigaw ko sa kanya.

“bakit kasi ganyan kang makatingin? Parang di mo ako kilala.”

“eh kasi naman di ko naman talaga ikaw mamukhaan kanina.” Paliwanag ko with an irritating voice. Nanggugulat kasi eh.

“bakit ? wala kang soot na contacts?” tapos iwinagayway pa yung kamay nya sa mukha ko.

 

“di ako bulag noh!”

“ang taray mo naman ngayon. Wala ka bang suot na contacts?” pag-uulit nya sa sinabi nya.

Kasabay ko na sa paglalakad si Ikey. Sasamahan nya ata ako.

“ay meron! Kaya nga di kita nakilala kanina.” Pambabara ko sa kanya.

“hehe. Nagtatanong lang naman lang naman.”

 

“what’s with the eyeglasses?” nacurious lang ako kasi may suot syang salamin.

“trip ko lang. Bagay ba?”

 

“oo, sinong hinahanap mo?” tanong ko kasi lingon lingon sya na parang may hinahanap.

Mr. Don't-Know-The-Name [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon