CHAPTER 57: SLEEPING BEAUTY
[MERCEDEZ RESIDENCE]
Abala ang Mama ni Allison na si Mrs. Mercedez sa pag-aayos ng mga damit ng anak niya. Every morning, nakagawian na ni Mrs. Mercedez na mag-ayos ng closet ni Allison everytime na umaalis ang anak niya para pumasok sa University.
Di naman nagrereklamo si Mrs. Mercedez sa pagiging hindi organized sa gamit ni Allison. Natutuwa pa nga siyang gawin lahat ng yun para sa anak niya.
Habang nag-aayos si Mrs. Mercedez ng mga damit napatingin siya sa picture ni Allison na nakasabit sa wall ng room. Napangiti siya.
“ang ganda at ang laki laki na talaga ni Allison. Samantalang dati ang liit liit pa niya at wala siyang ibang kaibigan kundi kami lang ng Papa niya.” Nasabi ni Mrs. Mercedez.
“lumaking sweet at mabuting bata si Allison.” Napangiti si Mrs. Mercedez ng maalala niya nung birthday ng asawa niya. Napasaya kasi talaga ni Allison ang Papa neto.
Tumayo si Mrs. Mercedez ng matapos na siyang mag-ayos ng mga damit. Naglakad na siya palabas ng room ng may maapakan siyang piece of paper. Kinuha niya yun at tiningnan.
Napakunot-noo siya.
“ticket to ng bus ah.” Bulong ni Mrs. Mercedez.
Nagtataka siya dahil ang alam niya ay kasabay ni Bea si Allison kapag papasok at iuuwi. Ayaw na kasing maabala ni Allison ang Papa niya kaya ang sabi ni Allison dati na kay Bea na lang siya sasabay since magkaklase naman sila.
Tiwala naman kasi na sumasabay siya kay Bea.
Masyado kasing protected ang Papa neto sa kanya kaya di niya pinapayagang magcommute si Allison. Delikado at may iba pang reason ang ama neto.
“baka isa lang ito. Baka emergency lang kaya nagcommute siya.” Sa isip isip ni Mrs. Mercedez.
Napatingin siya sa bag ni Allison na nakapatong lang sa ibabaw ng kama. Lumapit siya at kinuha yung bag. Baka kailangan labhan kaya andun lang sa kama niya.
Tiningnan niya ang bag ni Allison at nakita niya ang napakaraming ticket ng bus.
