CHAPTER 39

7.8K 148 23
                                    

[BII’S POV]

Napatingin ako sa relo ko. Ang tagal kasi ni Allison. Ano pa kayang ginagawa nya? Nahirapan kaya syang maghanap kay Ikey? Pero pwede din naming nagyaya muna syang kumain. Lagi kasi yung nagugutom, pero sa mga kaclose lang naman sya nagpapakita ng ganung ugali.

Napalingon ako sa pinto kasi nagbukas yun. Baka sila na yung dumating at tama nga ako. Kasi ang bumungad ay sila Ikey at Allison na nagtatawanan.nakita ko na parang pagod silang dalawa lalo na si Allison na pawis na pawis. Ano naman kayang ginawa ng dalawang ito at mukhang pagod?  Parang naghabulan sila.

“Bakit ganyan mga mukha nyo?” tanong ni Ikey ng mapansin nya na nakatingin ang dreamguyz at ako sa kanila ni Allison.

Walang sumagot kay Ikey.

Lumapit naman ako kay Allison. Sa paglapit ko sa kanila, napansin ko na medyo namamaga ang mga mata nya. Umiyak ba tong babaeng to?

“bakit pagod na pagod ka?” tanong ko. Mamaya ko na lang itatanong sa kanya kung bakit namamaga ang mata nya. Kilala ko kasi kung bagong iyak si Allison o hindi eh.

“naghabulan kami ni Ikey-baby. Ang daya nga nya eh. Ang bilis bilis.” Nakatawang sagot ni Allison sakin.

“ako pa talaga ang---“ di na naituloy ni Ikey ang sasabihin kasi biglang sumigaw si Landon.

“BABY?” gulat na sigaw ni Landon. Nabigla sya na tinawag na Baby ni Allison si Ikey.

“naghabulan kayo?” sigunda naman ni Brayden.

 

“saan?” Nathan.

 

“nakipaghabulan ka talaga Ikey? Bago yun ahh!” Tim

 

“talo talo pre?” Stephen.

“wait!! Isa isa lang okay? Tsaka pwede ba munang umupo? Makapagtanong parang wala ng bukas ahh!” natatawang sagot ni Ikey. Napapalibutan na kasi sila ng dreamguyz. Ang di lang nakapalibot ay si Drew na busy sa pagsasoundtrip habang nakapikit. Si Alex naman nakatungo lang dun sa isang tabi. Nag-eemo pa rin. Di na nga yan nakausap eh.

 

“wow! Pagkain! Para samin bay an Ikey?” Brayden.

“hep! hep! Sakin yan hindi senyo.” Sagot naman ni Allison at hinarangan pa talaga yung pagkain para di makuha ni Brayden.

“ang dami naman nyan. Di mo yan mauubos.” Brayden.

“you underestimate me!” saryosong sagot ni Allison.

“hahaha.” Nagtawanan ang mga dreamguyz sa sinabi ni Allison.

Mr. Don't-Know-The-Name [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon