[BII'S POV]
Habang tumatagal di na ako naiilang kay Dave. Lagi kasi syang tumatawag sakin and sometimes bumibisita sya sakin. Ang dame ko na ngang chocolate dito sa bahay lahat galing kay Dave.
"ui Allison dahan dahan sa pagkain ng chocolate. Walang aagaw nyan sayo."
Andito kasi si Allison sa bahay namin. Lumalamon .. Hehe .. Choss lang .. Pinapunta ko talaga sya dito kasi favorite nya chocolate and since naipon yung binigay sakin ni Dave kaya yun sa kanya ko pinapaubos.
"dahan-dahan na to Bii"
Dahan dahan na daw yun eh halos puno na yung bibig nya tapos sunod sunod yung pagsubo nya. Waahhh .. Takaw takaw nya pagdating sa mga matatamis pero pakainin mo yan ng gulay. Kahit isang subo di yan kakain.
Ang tahimik ni Allison habang kumakain para syang bata kung kumain wala syang paki kahit puro chocolate na mukha nya at ngipin niya. ^__^
"bakit ganyan kang makangiti Bii ?"
"takaw mo kasi."
"okay ng matakaw. Atleast di naman ako lumolobo."
"paano kung makita ka ni crush mo na ganyan ka palang kumain.?"
Pano nga kaya? Hehe .. Matuturn-off kaya yun o hindi? Ano naman kayang gagawin ni Allison?
"ano bang masama sa pagkain ko? Gusto nya ba akong magutom?" sabay kagat nam chocolate. "sarap Bii, yum! yum!"
"di ka mahihiya sa kanya ? Baka maturn-off yun sayo Princess !!"
"di yan Bii kasi tama na ang kagandahan ko para maturn-on sya."
Maganda daw woh .. Kinuha ko yung maliit na mirror sa bed side table ko. Then hinarap ko sa kanya.
"Tingnan mo nga sarili mo ngayon." puro chocolate na kasi gilid ng labi nya tsaka face nya. Tas ang gulo gulo pa ng buhok.
"Wwwaaaahhhhhh !! May mumu sa salamin Bii " tumakbo pa sya papunta sa likod ko.
Pak !
Batukan ko nga ng matauhan. Mumu daw eh.
"kaw yang mumu na nakikita mo sa salamin. Ganyan ka kabusabus. Daig mo pa ang street children."
"aray ko naman Bii." hinimas himas nya yung nabatukan ko. " di naman nya ako makikita ng ganito ang itsura eh. Syempe lagi akong maganda sa harap nya."