[SON’S POV]
Inagahan ko talaga ang gising ko hindi dahil makikipagkita ako kay Hubibi kung hindi pupuntahan ko si Bii sa bahay nila.
Sana si manang ang magbukas ng gate para makapasok ako sa bahay nila at sana wala na dun yung Daddy ni Bii kasi nakakatakot yun.
Malapit na ako sa bahay nila ng matanaw ko na palabas na ang kotse ng Daddy ni Bii. Binilisan ko ang paglalakad kasi nakita ko si Manang. Papasukin kasi ako ni Manang kapag siya ang nakausap ko. Masyado kasing masunurin yung guard nila Bii kaya kahit ako ayaw papasukin.
“manang!” sigaw ko kasi isasara na ni Manang yung minigate.
“oh Son? Anong ginagawa mo dito? Aga pa ahh!” gulat na tanong ni Manang sakin.
“si Bii po kasi hindi pumasok kahapon tapos hindi pa namin siya makontak eh di naman po yun Gawain ni Bii kaya po pinuntahan ko siya ngayon para kausapin. Ayaw po kasi kaming papasukin ni manong guard kahapon.” Hiningal ako sa mga sinabi ko.
“mabuti pa nga. Di ko kasi rin alam sa batang yun at nagkulong sa kwarto niya. Hindi rin kami kinakausap. Dinadalhan lang namin ng food sa kwarto niya kasi hindi siya bumababa para kumain.”
Pumasok na kami ng bahay ni manang. Didiretso na sana ako sa room ni Bii ng tawagin ako ulit ni Manang.
“Son. Eto ang susi sa kwarto ni Bea, nakalock kasi lagi ang kwarto ng batang yun.” Binigay sakin ni Manang ang napakaraming susi pero syempre tinuro niya sakin yung pinakang susi ng room ni Bii.
Pagpasok ko sa room ni Bii, nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Medyo namamaga pa ang mata ni Bii. Umiyak ba siya magdamag?
Humiga ako sa tabi niya. Hihintayin ko na lang na magising siya baka masipa ako neto akpag ginising ko eh.
Ano nga kayang problema ni Bii?
Andaya talaga neto. Kapag siya ang may problema lagi nalang niyang sinasarili. Andito naman ako lagi handing making sa kaniya kahit minsan walanh kwenta ang mga sinasabi ko.
At least di ba? May nakikinig. Hay naku. Lagot sakin tong si Bii mamaya kapag nagising.
----
[BII’S POV]
Nagising ako kasi parang may katabi ako sa kama.
Pagmulat ko, nakita ko si Allison na katabi ko habang himbing na himbing sa pagtulog.
Ano namang ginagawa neto dito? Ayoko ngang makipag-usap kahit kanino eh. Bakit kaya nakapasok to? Si manang siguro nagpapasok sa babaeng to.