[SON’S POV]
“Allison, bakit ganyan mukha mo?” tanong agad sakin ni Bii ng makaupo na ako sa tabi niya. Dito na kami sa room. Nalate kasi ako ng five minutes kaya dito na ako dumiretso.
Umiling lang ako bilang tugon kay Bii at umub-ob ako sa desk ng upuan ko.
Di ko mapigilang hindi malungkot.
Akala ko magiging masaya ako ngayon. Hindi pala.
“Allison?” Bii poked me sa side ko.
“hmn?”
“may problema ka ba?”
Umiling ako pero di ko pa rin siya hinaharap.
“Allison?”
“Bii, wag ngayon. Wala ako sa mood.”
“ano ba kasing problema?”
Umiling lang ulit ako. ayokong masyadong magsalita at baka di ko na mapigilang umiyak.
“Allison naman eh. Bestfriend mo ako di ba? Sabihin mo na!”
“hubibi.” Sabi ko nalang. Alam ko naman na magegets niya yun.
“Hubibi!? Haist!! Sinabi ko naman sayo Allison! Kalimutan mo na siya. Di ka nun kilala. Wala siyang pakialam sayo kasi kung gusto ka niya talagang makilala o makasama. Matagal na dapat nangyari yun. Matagal na siyang gumawa ng move para magkakilanlan kayo peor hindi siya gumawa ng move di ba?”
Bakit ang sakit sakit mapakinggan ang mga ganung bagay?
Bakit kahit alam ko naman na totoo yun ay kinoconvince ko pa rin ang sarili ko na hindi yun totoo.
Na kilala naman niya talaga ako.