[SON’S POV]
Dumiretso muna ako sa closet ko. Pipili muna ako ng susuotin ko.
Pink dress o jeans?
Jeans na lang. ayokong magdress. Hehe. Naalala ko si mitch na ang ganda ganda sa dress niya.
Jeans at losse blouse ang napili kong damit. Kami lang naman ang andito sa party ni Papa kaya okay lang tong soot ko.
♫ 'ayoko ng pumara kahit san mapunta, ayoko ng pumara kung ikaw ang kasama, ayoko ng pumara , ayoko ng pumara , ahh'♫
Sino kaya yung tumatawag?
Ikey-baby calling...
SI Ikey-baby lang pala. Bakit naman kaya?
“hello ikey-baby?”
-Son-baby! Ang daya mo!
“bakit?” napakunot-noo naman ako. Ano naman kayang ikinadaya ko?
-di mo ako ininvite.bakit si Alex at Drew lang? at close pala kayo ni Drew?
“andami mo namang tanong Ikey-baby hehe. Sobrang busy mo kasi eh. Ayan tuloy, di ka nap dated sakin.” Natatawa kong sabi. Di ko nga nakita ng one week si Ikey.
-ako pa ngayon ang naging busy ha? As far as i know ikaw yung naging busy.
“hehe. May pinagkaabalahan lang.”
-sinong pinagkaabalahan mo? Si Hubibi mo?
“oh paano mo nalaman yang Hubibi thingy na yan? Hala Ikey-baby. Tsismoso ka na ngayon?”
-tsismoso agad? Hindi ba pwedeng narinig ko lang sayo once?
“hehe. Ui ha! Wag kang maingay. Tsk! Nakakahiya tuloy.”
-ngayon ka pa nahiya? Haha. Eh halos nasabi mo na lahat sakin eh.
“ano ba mga nasabi ko sayo Ikey-baby?” di ko na matandaan yung mga nasabi ko kay Ikey.
-halos lahat ng tungkol kay Hubibi mo? Haha! Wag mo ng ikahiya na nagkakagusto ka sa taong di mo kilala. That’s life. Ang weird lang ng sayo.
“haist! Pero bakit ka nga napatawag? Di ba pupunta ka naman dito?” umupo muna ako sa bed ko at parang matatagalan pa ata ang pakikipag-usap ko sa mokong na to.