[SON'S POV]
Umupo ako at sumandal sa bench. Then I closed my eyes. Sarap ng hangin dito. Lasang chocolate, just kidding. Ang presko lang kasi.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagplay ng song. Of course, TSwift again. ‘Yon lang naman song ng cellphone ko eh. Meron pa lang naligaw na song, ‘yong Jeepney Lovestory. Relate much kasi do’n eh.
Pinili kong song ay Enchanted ni Taylor Swift. Bagay na bagay kasi sa occasion ngayon. Sana lang ay makatagpo ko ang magpapa-enchanted sa akin.
After kong pumili ng song ay pumikit na ulit ako.
♫♫ There I was again tonight, forcing laughter, faking smiles
Same old, tired place lonely place
Walls of insincerity, shifting eyes and vacancy
Vanished when I saw your face♫ ♫
"Bawal matulog dito Miss."
Napapitlag pa ako sa pagkagulat nang may biglang nagsalita. Tiningnan ko kung sino ang pangahas na gumulat sa akin.
At lalo pa akong nagulat nang makita ko kung sino ang nagsalita at naka-upo lang sa tabi ko, mga dalawang pulgada lang ang layo sa akin. Gusto n’yong malaman kung sino?
Wait, wait, kinikilig ako eh. Paano ko ba siya ipapakilala?
Gusto ko sanang sabihin sa inyo kung anong name niya but I don’t even know... Oh? Gets niyo na ba kung sino? Siya lang naman si crush/hubibi/Mr. Don’t-know-the-name, ang nag-iisa at wala ng iba.
Yay! Siya ba talaga to? Baka mamaya 'pag kumurap ako mawala na naman ‘to katulad kanina.
Tinitigan kong mabuti ang mukha nya. Homay! Ang gwapo niya talaga!
GHAD!! I miss him so bad. Dalawang araw ko pa lang siyang hindi nakakasabay sa jeep pero parang katumbas na no’n ang isang buwan, isang taon. Basta! Feeling ko ang tagal tagal ko na siyang hindi nakikita. Alam kong OA ako minsan pero gano’n talaga ang nararamdaman ko.
He smiled at me. Ay sh*t! Napapamura na ako. Para akong natutunaw sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Ang gwapo niya, sobra! Brown pala ang mata niya. Tapos medyo singkit, hindi pala medyo dahil singkit talaga siya. His eyebrow is so makapal pero bumagay sa kanya. Ang tangos din ng ilong niya na kapag tumagilid siya ay makikita ang napakagandang hubog. His lips are full na sa t’wing titigan ko ay parang gusto ko siyang sunggaban at pugpugin ng halik. Hahaha! Ang pervert ko ata. Eh kasi, parang nangyayaya ‘yong lips niya eh. At ang bango pa niya. Feeling ko mas mabango siya sakin.
Ghad! Bakit ang perfect perfect ng face niya?
"Are you done detailing every part of my face?"
"Ha—eh?" napatuwid ako ng upo. My gosh! Natulala na naman ako sa taglay niyang kagwapuhan. Pero ano nga iyong sinabi niya? Hindi pa nagsi-sink-in sa pretty little brain ko.