[SON'S POV]
Kakalas na sana si Hubibi sa pagkakayap sa akin nang pinigilan ko siya sa pamamagitan ng pagyakap sa kanya ng mahigpit.
"H'wag muna Hubibi, baka mamaya nanaginip lang pala ako... baka mamaya magising nalang ako na wala ka na sa harap ko," halos pabulong sa sabi ko kay Hubibi. HIndi ko mapigilang hindi isipin na panaginip lang lahat ng ito at mamaya ay magigising na lang ako na wala na si Hubibi sa harapan ko.
"Hindi na ako mawawala My Princess." wika niya at nakita ko na puno ng sinseridad ang mga mata niya ng sinabi 'yon.
"Promise?" tanong ko.
"Promise," nakangiti niyang sabi sa akin.
Kumalas na ako sa pagkakayakap at humarap sa kanya. Ngumiti ako sa kanya.
"Always smile. Kahit hindi mo ako nakikita, lagi ka lang ngumiti dahil my heart belongs to you... only you, Princess."
Hinawakan ko ang mukha ko at sinampal sampal ng mahina. Ayaw pang mag-sink-in na totoo talaga to eh.
"Bakit, My Princess?" nagtatakang tanong ni Hubibi at inalis niya ang kamay ko sa mukha ko.
"Nananaginip ba ako Hubibi?"
Tumawa ng mahina si Hubibi, "you're not dreaming, My Princess. Andito talaga ako sa harap mo."
I pouted, "kasi naman... mas masaya pa 'to sa panaginip, mas masaya pa 'to sa mga nai-imagine ko." Alam kong nagmumukha na akong timang pero hindi ko mapigilan. Ikaw ba naman na ang taong pinapangarap mo na hindi mo manlang mahawakan pero ngayon, andito siya sa harapan mo at pwede mo siyang hawakan, yakapin.
"Mas masaya talaga kapag reality, My Princess."
"Kurutin mo nga ako Hubibi para masigurado ko na hindi talaga ako nananaginip," nakapikit kong sabi sa kanya at iniharap sa kanya ang pisngi ko.
Instead na kurut ang maramdaman ko ay halik sa labi ang binigay niya sa akin. Nagulat ako at napahawak sa labi ko.
First kiss ko 'yon sa personal. Sa imagination ko kasi, nakiss ko na ng maraming beses si Hubibi. Pangalan lang naman niya ang hindi ko malaman kahit sa panaginip lang.
"So, are you dreaming, My Princess?" pilyong ngumiti sa'kin si Hubibi.
"Isa pa nga." Sabi ko sa kanya. Gusto ko ulit mafeel yung kiss niya. Ang bilis bilis eh. Parang hangin lang na dumaan.
Tumawa si Hubibi at hinawakan ako sa kamay, "alam ko gutom ka na, My Princess, kaya kakain muna tayo."
"Oo nga pala gutom na ako." naalala ko na gutom nga pala ako kanina. Nakalimutan ko dahil nabusog ako ng makita ko si Hubibi tapos kinantahan niya pa ako.
Ang saya saya naman. Nangyari na lahat ng pinapangarap ko. Dreams really do come true.
"I prepared some food that you will enjoy," sabi ni Hubibi at pumunta na kami sa nakaset na table.
Parang wala naman yun kanina eh. O di ko lang talaga napansin dahil nakatingin lang ako kay Hubibi.
Lumapit yung naka-uniform na waiter samin at inihanda na ang food namin. Napatingin ako dun sa waiter and I saw Ikey.