====DEDICATED SAYO KASI VINOTE MO YUNG RAIN KO HIHI!! TSAKA DIVA BINABASA MO RIN TO?====
[SON’S POV]
Nagdaan ang mga araw na hindi ako nakikipagkita kay Hubibi. Actually, i’m trying myself na hindi siya makita sa kadahilanang gusto ko na siyang kalimutan pero napatunayan kong traydor si heart.
Lagi nga silang nag-uusap ni brain, nagtatalo rather. Kasi magkasalungat talaga sila lagi at laging pinapagalitan ni brain si heart pper sadya nga sigurong tanga si heart.
Ganito ang conversation nila brain at heart.
Heart: I’m broken.
Brain: I told you.
Eto pa.
Brain: gumising ka nga. Di ka nun napapansin. Kaya wag kang kiligin diyan kapag nakikita mo siyang nakatingin sayo.
Heart: I can’t help. Automatic na yun eh.
Isa pa to.
Brain: kalimutan mo na siya.
Heart: kapag kinalimutan ko siya. Di na ako magiging Masaya. Paano na ang happiness ni Son?
Brain: pero di na nga siya Masaya. Nasasaktan na siya.
Heart: pero kapalit naman nun eh magiging masaya na siya.
Brain: wala tayong assurance diyan.
Kasi naman eh.
Mas masaya kapag si heart ang sinusunod pero mas masakit din. Tsaka kasalanan ko bang pinanganak akong heart over mind person?
Haist!
Every morning nalang nagigising ako ng 5:30 kahit hindi ako nag-aalarm. Nakasanayan na ng katawan ko na gumising ng ganun kaaga pero pinipilit ko ang sarili ko na matulog ulit at hindi makipagkita kay Hubibi.
Nagtataka nga ang Mama kasi bakit daw late na akong bumangon. Di ko siya masagot kasi di ko alam ang sasabihin ko. Umiiwas nalang ako kapag tinatanong yun o kaya iniiba ko ang usapan.
Ayoko na kasing makaramdam ng pain.
Ang sakit kasi eh. Lagi na lang akong naiiyak kapag nararamdaman ko yung pain sa heart ko.
Ayokong isipin na may nagmamay-ari na kay Hubibi kasi di matanggap ni heart. Ayaw niyang tanggapin. Kasi si Hubibi lang ang gusto niya.