CHAPTER 52: JEEPNEY SCENE PART 7
[SON’S POV]
♫♫Now go stand in the corner
And think about what you did
Ha, time for a little revenge The story starts when it was hot and it was summer
And I had it all, I had him right there where I wanted him
She came along, got him alone, and let's
hear the applause She took him faster than you can say sabotage♫♫
wahh! Ang ingay ingay naman ng alarm ko. Inaantok pa ako.
Amp!
Kinapa ko yung cellphone ko na nag-aalarm sa may bed side table ko.
Oo nga pala, ako yung nagfull volume ng alarm ko kagabi para masigurado kong magigising ako.
Bumangon na ako at kapag hindi ako bumangon baka di ko namamalayan na tulog na naman pala ako. Nakakaantok pa naman ang ganito kaaga.
Nang makatayo na ako, sumakit naman ang puson ko pero light lang yung pain. Magkakaron na ata ako sa susunod na araw.
Lantang gulay tuloy ako habang naliligo. Ganito kasi ako kapag may nararamdaman sa katawan. Naging one hour tuloy ang paliligo ko. Kahit sa pagbibihis ang tagal ko rin.
Di na lang ako nagbreakfast kasi baka malate na naman ako at di ko pa makita si Hubibi ko.
Sayang ang moment.
Sayang ang paggising ng maaga. Baka may magandang mangyari samin ngayon at baka ngayon ko siya makikilala.
Pero alam nyo yung feeling na tamad na tamad ka talaga?
Ganun kasi ang nararamdaman ko ngayon pero gusto ko kasing makita si Hubibi kaya pinipilit ko ang sarili ko na bumangon at pumasok ng maaga.
Baka kapag nakita ko siya mawala tong lazy feeling ko.
Si Hubibi kasi ang vitamins ko na dapat i-take everyday at baka magkasakit ako kapag hindi ko siya nakita ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/1486451-288-k512686.jpg)