[Bii'S PoV]
♫ you don’t have to call me, And say you’re sorry
I’m already gone., You don’t have to call me
And break my heart each time, I’m try movin on..you don’t have to call me' ♫
Nagising ako ng dahil sa ring ng cellphone ko. Kinapakapa ko lang sa may bed side table ang cellphone ko.
"Text lang pala!" napapailing kong sabi sa sarili ko ng makita ko ang 2 message received na nakasulat sa screen. Si Allison na naman ang nagpalit ng tones ko. Akala ko may importante nang tumatawag sa napakaagang araw na to. Favorite niya si Taylor Swift kaya kahit ang cellphone ko ay ginawang niyang tones ang mga kanta ni Taylor.
Pero kahit namamakialam ng gamit ko si Allison ay mahal na mahal ko yan. Ang sweet niya kasing kaibigan.
Allison: bii !! Murning .. Aga na naman akong papasok hehe .. Aabangan ko si hubibii ko, just txt me up pag asa skul kna ha..muapx''
Napangiti ako sa nabasa ko. Hubibi na ngayon ang tawag niya kay Mr. Do't-know-the-name. Feel na feel niya talaga, aakalain ng makakabasa ng text niya ay totoo niyang Hubby yung tinutukoy niya sa text. Minsan lang magkacrush si Allison, katulad ko, kaya sana malaman na niya ang pangalan ni Mr. Don't-know-the-name para maging masaya na si Allison at tigilan na niya yun.
Inopen ko namana ng isang text at kay Dave pa. Parang may kumuhit sa puso ko ng mabasa ko ang pangalan ni Dave. Babae din naman ako, kinikilig kapag nakakareceive ng text message sa taong gusto nila.
Dave: murning.. Take care
Ang simple lang nung text pero kinikilig na ako. Rereplyn ko ba siya?
Maya nalang kapag naalala ko para hindi halata na may gusto ako sa kanya, Matutulog muna ako, sayang thirty minutes.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
[Son's PoV]
Nakangiti akong nagising. Napanaginipan ko kasi si Hubibi. Magkasama daw kami at sobrang lapit namin sa isa't-isa na akala mo ay mag boyfriend-girlfriend kami. Ang kaso sa panaginip lang yun kaya dapat totohanin.
Sana makita ko ulit sya ngayon pero parang may nararamdaman akong ibang mangyayari ngayon. Nasesense ng aking six sense. Umiling-iling ako trying to erase the bad senses na nararamdaman ko.
Basta happy ako dahil gagawin kong totoo ang nangyari sa amin sa panaginip ko.
Dito na ko sa terminal at nakita ko agad sya. Napatakbo ako para makatabi ko sya sa jeep. Minsan lang mangyari na makakatabi ko siya at minsan ume-effort talaga ako para makatabi ko siya. Yung tipong ang liit liit na ng space sa pagitan nila ng katabi niya sa jeep pero nagagawa ko pa ring sumingit.
Ayan na ..
Ayan na ..
![](https://img.wattpad.com/cover/1486451-288-k512686.jpg)