[Son's PoV]
I slightly open my eyes, trying to look kung nasaan na ako. Nakasakay ako ngayon sa bus going to University kung saan ako nag-aaral. Nagcocommute lang ako dahil hindi naman ako 'yong tipo ng tao na may sariling kotse. Hindi nga ako marunong magdrive ng kotse.
Hala! Nagulat ako sa nakita ko at tiningnan ng mabuti kung tama ba ang pagkakakita ko kung nasaan na ba talaga ako. Nakita ko ang Jolibee, Mcdo at Chowking. Dito na nga pala talaga ako. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa bus sa sobrang traffic kanina. Kailangan ko na pa lang bumaba.
Haist! Nagiging habbit ko na pagtulog sa byahe lately. Hindi pa naman magandang hobby ang pagtulog sa byahe lalo na at commuters lang ako.
Makababa na nga at baka umandar pa 'tong Bus na sinasakyan ko. Ugali pa naman ng mga bus driver ng bigla-bigla na lang umaandar. Hindi naman kasi nakikita o napapansin ni Manong Driver ng bus na may bumababang pasahero.
Nang makababa ako ng bus ay tiningnan ko ang paligid. Baka may magnanakaw na tumatakbo papalapit sakin at hablutin ang bag ko, choss lang. Ang aga namang magnanakaw no'n kung meron man. At wala naman siyang mananakaw sa akin, maliban sa pamasahe ko.
Napatingin ako sa relo ko.
8:08
"Homay!" Nanlaki ang mata ko sa nakita kong oras. I'm so late na pala sa tagpuan namin ni Crush. Akala ko mga quarter to eight pa lang! Ang tagal pala ng traffic kanina. Ugh!
Binilisan ko ang paglalakad sa abot ng aking makakaya. Hindi ako makakapayag na hindi ko makikita ang nag-iisang dahilan ng paggising ko ng maaga. I am not a day person kaya sobrang sacrifice na sakin ang gumising ng maaga para lang makita siya.
"Aray ko!" Napapikit ako at napatigil sa paglalakad dahil sa sobrang sakit ng paa ko nang dahil sa sapatos ko. Ang echoss ko rin naman kasi. May nalalaman pa akong pagsusuot ng may heels. Ayan tuloy, ang walang kamalay-malay kong paa ang nagdudusa sa kaartihan ko. Wrong timing ang trip kong magheel. Malays ko ba na sobrang traffic ngayon.
Tumayo ako ng tuwid ng napa-aja. Keri ko to! Para kay crush. Mamaya ko na iindahin ang sakit ng paa ko kapag nasa University na ako. Kailangan ko ng bilisan baka di ko na siya maabutan.
Lakad-takbo ang peg ko ngayon. Parang tanga lang ako sa mga nakakakita sa akin. Aakalain pa nila na malelate na ako sa klase ko.
Napapahid ako sa pawis sa noo ko gamit ang palad ko. "Woh!! nakakapagod pala ang magpalakad takbo!"
Sira ang poise ko nito. Pero okay lang, okay lang kahit mukha na akong tanga sa paglakad at pagtakbo. Basta, para maabutan ko ang dahilan ng aking paggising ng maaga.
Mamaya pa naman talagang ten ang first class ko. May kinakatagpo lang talaga ako sa terminal ng jeep. Talandi ko noh? Ang daming place na pwedeng tagpuan, terminal pa ang jeep ang napili namin. Well, ako lang talaga ang pumili no'n. Hindi niya alam na do'n ang tagpuan namin pero nasisigurado ko na darating siya sa tagpuan namin sa gano'ng time.