-------------------------
dedicated sayo kasi kaw unang nagcomment sa story ko na to except sa mga friends ko hihi
------------------------
Para akong nasa heaven pagkababa ko ng kotse. Ang saya. Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang araw na to. Ang akala ko yung katulad lang ng dati na makikita ko siya tapos tapos na. Pero iba ngayon.
Sigurado na ako ngayon na naglelevel-up na kami ng hubibi ko. Can’t wait na maging kami officially pero bakit kaya hindi siya nagpakilala sakin kanina? Di ko naman naisip tanungin pangalan niya.
Yaan na nga lang. may next time pa naman para makilala ko siya. Di naman ako nagmamadali.
Nakangiti akong naglalakad papunta sa tambayan namin ni Bii.
Kahit paika ika ako ngayong sa paglalakad di ko yun alintana kasi ang daming nangyaring magagandang bagay ngayon sakin. I will enumerate the things that makes me happy.
First: nakita ko na si Hubibi. Pinakafirst yun kasi yun lang naman ang pinakagoal ko eh. Ang makita siya. Solve na ako dun.
Second: kinausap niya ako. Kahit parang pagalit siya nung kinausap ako, okay lang kasi nag-aalala lang siya sakin kasi hindi ako nag-iingat. And its sound sweet to me.
Third: nakaholding hands ko siya. Sarap g feeling na kaholding hands ang taong gusting gusto mo. Siya pa yung kusang humawak sa kamay ko. Palag pa ba ako? Syempre hindi na. Kinikilig talaga ako kapag naalala yun.
Fourth: we’re almost hugging. Kahit hindi naman talaga hug yun kasi ang lapit lapit lang niya pero para sakin hug na yun hehe.
Fifth: he cares for me. Walang kokontra kasi di naman niya ako tutulungan kung hindi siya nagkecare eh.
Sixth: siya nagmasahe sa paa ko para mawala ang pamamaga. Ang sweet kaya nun. Hinawakan niya ang paa ko. Buti na lang at mabango ang paa ko. Hihi.
Seventh: inalalayan niya ako sa pagsakay sa jeep. Kahit parang magkatulad ung seven at third para sakin magkaiba pa rin yun.
Eight: siya nagbayad ng pamasahe ko. Hehe. Libre pamasahe din yun.
Oh di ba? Mas maraming magagandang bagay na nangyari sakin.
Ipinapapasalamat ko pa ang pagkatapilok ko kasinkung hindi, hindi mangyayari yun lahat samin. May magagandang bagay din palang naidudulot ang pagiging lampa minsan.
Para akong sira sa paglalakad kasi di mawala wala ang pagkakangiti ko. Tapos kapag pumipikit pa ako naalala ko yung nangyari kanina.
Hayy!
Sana magtuloy tuloy na to.