CHAPTER 43: TUTOR

7.6K 144 21
                                    

 ---dedicated to you..thankYou--

--

[SON’S POV]

Nag-iinternet ako ngayon. Mag-sesearch ako ng guitar chords ng kakantahin ko para kay Papa. Excited na akong kantahan siya kasi alam ko na matutuwa siya. Save ko muna tong nahanap ko. Manonood muna ako ng tutorial sa youtube kung paano yung tugtugiin para din a mahirapan sakin si Drew bukas.

Maganda sanang manood ng tutorial kung meron akong gitara ngayon para mas malaman ko. Mas maganda kasi kung nagagawa ko yung sinasabi sa video.

Paulit-ulit lang ako sa panonood. Nang mapagod ako nagfacebook lang ako saglit. Kung alam ko lang name ni hubibi siguradong lagi kong titingnan ang profile niya kaso hindi eh. Ang hirap maghanap lalo na kung wala kang alam kahit anong connected sa kanya.

Nag-log-out na ako. Humiga na ako at kinuha ko ang cellphone ko. Itetext ko kasi si Alex.

Me: hi? Gising ka pa?

Habang iniintay ko ang reply ni Alex. Nag-explore muna ako sa inbox ko at nakita ko yung text sakin ni noname kaninang umaga. Di ko nga pala siya nareplyan kanina. Nahihiya kasi ako, kasi naman eh. Di ko naman sinasadyang makatulog. Sabi ko pipikit lang ako e. Malay ko bang magtutuloy sa tulog yung pagpikit ko.

[ALEX’S POV]

Busy ako. Busy ako kakatingin sa mga pictures ni Son sa fb niya. Sabihin na nating, regular kong binibisita ang fb profile niya. Cute niya kahit puro stolen shot tong mga nakatag sa kaniya.

Beep.

Di ko sana papansinin yung nagtext kaya lang naisip ko na baka si Son yung nagtext sakin kaya kinuha ko na ang cellphone ko para tingnan.

Son: hi? Gising ka pa?

Napangiti naman ako sa text ni Son. Naaalala niya pala ako kahit hindi ako nagpapapansin sa kaniya.

Me: kamusta?

Son: ok lang. meron kbang number ni drew?

Aw naman! Ako ang katext niya tapos hihingin lang pala sakin number ni Drew. Idadagdag ko ba sa list ng mga taong pinagseselosan ko?

Me: y?

Ang ikli lang ng reply ko kasi nagseselos na ako. Baka kasi kung ano pang maitext ko kapag hinabaan ko pa.

Son: mei sa2bhin lang aq. Nklimutan ko kasing sbhin knina.

 

Me: ano yun?

Nacurious ako. Bakit ba napapalapit si Son sa mga lalaki. Tsk!

Mr. Don't-Know-The-Name [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon